Trishia Cecilia's POV Buo na ang pasya ko. Buong gabi ko rin pinag-isipan 'to. Binuksan ko ang pintuan ng hindi kumakatok. May limang nag gwa-gwapuhang mga lalaki ang nasa loob. Si Raymart lang ang nakapansin sa akin habang ang apat ay tuloy pa rin sa pag-uusap. "Masyado mo namang ginagaya 'tong si John Paul sa pag ka wasak ng puso" sabi ng lalaki na nakaakbay sa isang lalaki. "Lumayas ka na nga dito, Patrick. Para kang babae mo na satsat ng satsat diyan" ani Mr. Peterson. Sa kanilang apat na bisita ni Jack si Mr. Peterson at Raymart lang ang tanging kilala ko. Hindi pinansin nung Patrick ang pagkairita sa kanya ni Mr. Peterson at pinagpatuloy lang ang pag kausap kay Jack na nakahiga sa kama ng ospital na mukha namang hindi interesado sa kung ano-anong pinagsasabi nitong Patrick. Ma

