Trishia Cecilia's POV Dalawang Linggo na ang nakalipas at balik nanaman ako sa mansion. Sa loob ng dalawang lingo na yun palagi lang akong nasa loob ng kwarto ko. Simula ng bumalik ako hindi ko pa sinusubukan na lumabas ng kwarto ko. Palagi lang nila kong dinadalhan ng pagkain dito sa loob ng kwarto ko. Araw-araw rin pumupunta sa kwarto ko si mommy pero hindi ko siya kinikibo kapag sinusubukan niya kong kausapin palagi akong nagtutulog-tulugan. Wala kong ganang kausapin ang sarili kong ina na nagawa akong ipagpalit para sa business. Ang ina ko na kahit kailan hindi ako inintindi, hindi nagtanong kung ok lang ako, kung kumusta na ba ang anak niya. Ginawa lang yata nila ako ni daddy para lang gamitin sa paglago ng business nila at para sa pulitika. Narinig kong bumukas ang pintuan pero h

