Trishia Cecilia's POV Nakatingin lang ako sa chandelier ng hotel room na tinutuluyan ko habang paulit-ulit na bumubuntong hininga. Kakatapos ko lang kumain sa restaurant ng hotel pero nahiga na agad ako sa kama. I'm so bored. I feel like a lonely prisoner here. Ganito ba talaga pag mag-isa? Maybe Jack, was right hindi ko nga yata talaga kaya na mag-isa. Teka bakit ko ba iniisip ang lalaking 'yun? He's nothing but a dog of my dad. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang magtiwala sa kanya... sa kanilang lahat. Ayoko ng masaktan dahil sa kanila. Napaupo ako sa kama ng may marinig akong kumakatok sa pinto. Tinatamad na tumayo ako para pagbuksan ang kumakatok. Baka isa lang sa mga taga-linis. "Hey, miss-" "What are you doing here? Paano mo nalaman na nandito ako hah?!" Mataray na tanong ko sa

