Animo mga judge sa pageantry sina Lyra at Greko habang nanonood sa mga babaeng rumarampa sa bikini show. Kunwari naka shade pa sila pero ang totoo yon ang way nila para maka sipat ng mga long-legged and beautiful woman.
May sinulat si Greko sa papel, maingay kasi dahil sa music at may mga katabi din sila kaya para di marinig ang kulitan nila ni Lyra ay sinusulat nila.
After, mag sulat ay ipinasa niya ang papel kay Lyra. Napangiti ang huli sa nabasa. Ito kasi ang anaksulat.
Greko: Bet ko si number 6, ang kinis ng legs.
Bagsulat din si Lyra at ito ang nakalagay.
Lyra: Makinis nga ang legs, pero itaas mo ang standard mo hanggang singit :D
Nang, mabasa ni Greko ang sinulat ni Lyra ay tiningnan nito ulit ang Number 6, from legs humito ang mga mata nito sa singit ng babae. Sinipat talaga ng husto. Mga ilang minuto ata nito tinitigan ang singit ng babae, kung di pa siniko ni Lyra ay di mapuknat ang mata nito sa singit.
"Baka matunaw yong singit, puputi!,"mahinang bulong ni Lyra.
"Maitim nga," pigil-tawa na sabi ni Greko. " I-note mo yan at i feedback ko sa meeting next week, dapat di sila nagkukuha ng ganyang model, they're bringing the company brand.
"Kaya nga, bet ko si Number 3,"saadni Lyra.
"Hinid masaydong maganda,"komento ni Greko.
"Hindi lang bumagay sa kanya ang heavy make up pero believe me she's pretty, trust my opinion. I met her last week sa office when she applied for this, she's different.
"Talaga?," naging interesado agad ang expression ng mukha ni Greko. " I'll talk to her when the event commenced.
"Maghanap ka ng ibang number,ako ang pumili sa kanya so.. she's mine. Got it?," and a winning-smile appear on Lyra's face.
"Mas maniac ka talaga sa akin, I know it! manyakin mo rin kaya ako kapag gabi na.
"Sira-ulo!
Nasa ganoon silang conversation nang lumapit sa kanila si Rosie.
"Ma'am Ly, may problema.
"Anong problema?
"Yong magsusuot sa finale bikini, nagka LBM, "puno ang takot at kaba sa mukha ni Rosie.
Pero mas kinabahan si Lyra sa narinig.
"Nasaan ang coordinator sa event na to? Are they sabotaging this event?," medyo tumaas na boses ni Greko.
Kilala si Greko as perfectionist pag ganitong mga event na dala-dala ang company name ng Condero.
"Kami na ang mag-usap ni Rosie okay? Relax ka lang diyan. Let's Go," at hinila niya si Rosie malayo sa kinaroroonan nila.
Dinala siya ni Rosie sa dressing room kung saan nandoon ang ibang mga model naghahanda para sa final show. Hinanap niya agad ang lead model sa finale show pero sabi ng iba nasa CR pa daw.
"C'mon Rosie wala ba tayong makukuhang iba? Think! Kung kinakailangang manghila ka diyan sa gilid, manghila ka!," pati si Lyra ay na stress na din.
Pumasok ang coordinator ng show, aligaga na rin ito.
"Guys in 10 minutes mag start na ang finale show, Rosie may nakita ka na bang proxy?
Hindi umimik si Rosie.
Sa kaba na nararamdaman ng coordinator ay di na siya napansin nito.
"Rosie paano na bato?," napasabunot na sa buhok ang coordinator. Tapos saka lang siya napansin nito. "Ay ma'am nandiyan ka pala, sorry talaga.
"Cleah right?," tanong ko sa name nito.
"Yes po.
"Don't you have a plan B on this? How long have you been a coordinator?,"inis niyang tanong. "Dapat sa event na to we should always have a proxy di dapat tayo magpakakampante.
"Sorry po talaga, ma'am.
"So ganon na lang? We will end the event with a sorry? Paano niyo harapin si Greko?
"Ma'am sabi ni Rosie, may proxy daw. Kukunin niya.
Tiningnan niya si Rosie, nakayuko lang ito na para bang nag so-sorry na in advance sa susunod nitong sasabihin.
Tapos muntik na lang siyang mapatalon nang biglang lumhod ito sa paanan niya.
"Ma'am please ngayon lang, tulungan mo kami ni Cleah,"pinagdaop pa ang mga palad nito na parang nagdadasal, mangiyak-ngiyak na din ito.
"Oh no! no! No!," iwinasiwas pa ni Lyra ang kamay niya. "Ayoko Rosie! Hindi ako pwede.
Parang nakakita naman ng pag-asa si Cleah sa ginawa ni Rosie, kaya pati ito din ay lumuhod na.
"Hoy ano bang ginagawa niyo? tumayo nga kayo!
"Ma'am ngayon lang please... help us,"pagmamakaawa ni Cleah. "Kahit pakaltasan niyo ang sweldo namin, okay lang.
Napalo niya na lang ang kamay niya sa sentido.
Nasa CR siya ngayon, wala siyang LBM. Nakaharap siya sa salamin. Itinaas niya ang mga kamay niya at tsinek ang kili-kili, buti na lang nakapag shave siya.
Tsinek din niya ang pusod niya at baka nangingitim na.
Pagkatapos ay tumalikod siya at tsinek ang puwet baka may mga stretchmark siya o mga libag, so far wala naman.
Then, yumuko siya at tsinek ang singit niya baka nagmumura to sa sobrang itim, Hindi naman maitim ang singit niya kaso lang yong mga buhok humahaba na. Baka, kakaway-kaway to mamaya pag maglakad na siya.
Binuksan niya ang pinto ng CR at nandoon si Rosie nag-aabang sa kanya akala siguro nito tatakasan niya.
"May kailangan po kayo?," mabilis nitong tanong?
"Akin na ang bikini, bigyan mo din ako ng cream at foundation. Salihan mo na din ng gunting.
"Gunting po?
"Ibigay mo na lang yong gusto ko Rosi,"irita nitong sabi..
"Yes po.
Nagtaka na si Greko kung bakit hindi pa nakabalik si Lyra, gusto niya itong sundan dahil nagwo-worry na din siya sa nangyaring problema. Malalagot talaga siya sa Papa niya if mag fail ang show na to lalo pa at sya ang President ng kompanya. Siya din ang nag-approve sa show na to although yong kapatid niya ang nagmamanage sa Resort na kinaroroonan nila ngayon.
Tatayo na sana siya para sundan si Lyra ay sinalubong naman siya ng kapatid niya na si Hailey, ito ang nagmamanage ng hotel.
"Is everything fine?
"Yes nagawan na ng paraan ang problema,"nakangiting sagot ni Hailey.
'Where is Lyra?
"Just sit down,"iginiya pa nito ang pag-upo ni Greko. "And enjoy the show, brother,"at makahulugan itong ngumiti. "I'll leave you muna may aasikasuhin pa ako.
Nagsimula na ang Finale show.
"Good afternoon everyone, Now let's witness the Finale Bikini Show from our Gorgeous Models. This moment they are wearing the Aqua-Ley Bikini designed and crafted by our very own Miss Hailey Condero Salazar," announce ng MC.
Nag simula na agad rumampa ang mga model, napuno ng palakpakan ang bulwagan.
Na-enjoy na naman ang mga mata ni Greko dahil sa mga nagsiseksihang mga model. Busog na busog ang mga mata niya.
"And now for the highlight of the show, The Gold Aqua-Ley Bikini na pinakaka-abangan ng lahat. Let's welcome our Lead Model our very own Ms. Lyra Villar Condero.
Muntik ng maibuga ni Greko ang kape na iniinom nang marinig ng anunsiyo ng host. Napako ang tingin niya sa babaeng mag-isang nag catwalk sa entablado. Napanganga siya malayung-malayo sa Lyra na kilala niya ang rumampa ngayon. He admit, her wife is so stunning! Tapos ngayon lang niya nasaksihan ang sexy nitong figure hindi ito magpapahuli sa mga model na nandoon.
Nagpose sa gitna si Lyra. Hiyawan ang mga tao.
Sinadya namang asarin ni Greko ang asawa, ipinako niya ang tingin sa may singit nito.
Pinandilatan siya nito pero di niya pinansin, bagkus ay nag thumbs up pa siya na ibig sabihin ay maputi ang singit nito. Mas nag enjoy siya sa panunukso dito dahil namumula ang mukha nito sa inis or baka sa blush on lang.