Chapter 2

1595 Words
"Greko mag o office ka ngayon?," tanong ni Lola Becky habang nag-aagahan sila. "Yes po, La. May meeting po ako ngayon with the Directors, bakit po sasama po kayo? "Mag-absent ka muna, dapat punta kayo nitong si Lyra sa OB-GYnE ngayon. Napa-ubo si Lyra, para yatang pumasok yong kanin sa ilong niya. Hindi niya napaghandaan ang mga bala ni Lola Becky. Ang sipag nito sa "Oplan Apo" Program nito. "La naman, may monthly check-up naman si Lyra hintayin na lang natin," saad ni Greko. "Eh ang lakas kasi ng ginawa niyo kanina,"napa ismid pa ang matanda. "Sigurado ako shoot yon lahat! Lahat yata ng dugo ni Lyra ay umakyat sa mukha niya dahil sa sobrang hiya. Wala naman silang ginawa talaga ni Greko pero nakakahiya pa din lalo pa at nakakarinig ang lahat. "Ma, ikaw talaga every kainan ka ng pi pressure,"saway ni Amanda. "Sige ka, baka hindi mabuo dahil na stress na si Lyra. "Naku, sa lahi namin minimum lang yong limang anak,"mayabang na sabi ni Lola Becky. "O diba kayo ni Gerry anim anak niyo ito sila dahil maagang nagpakasal konti lang ang pito dito. Tumungga na lang ng tubig si Lyra, parang hindi niya na type lumunok ng pagkain. Si Greko naman ay tumungga na lang din ng tubig. Sa pagmamayabang ng lola niya sa lahi nila ay nabusog na siya. Well.. totoo din naman. Pamilya sila ng mararami ang lahi, masisipag. Ang Lola Becky niya at Lolo Gino ay may labing isang anak at si Papa niya ang pang pito. Yong ibang mga tito niya ay marami din ang mga anak. At sila, kung di lang siguro nag control ang Mama niya ay baka umabot din sila ng lagpas sampu. "Lola Beks hayaan niyo hindi lang pito ibibigay ko sa inyo, walo Lola, walo," nakangiting sagot ni Lyra. "Naku! huwag na kayong mahiya, gawin niyo ng sampu!," masayang saad ng matanda. Nagkatinginan na lang si Greko at Lyra at pilit ngumiti na para bang sinasabi nila sa isa't-isa na "kaya natin to'! Dahil ayaw ni Lyra na mag stay sa bahay na nandoon si Lola Beks at baka kulitin lang siya kahit gusto niyang magpahinga dahil naka leave siya ay pumasok na lang siya. Kaya nagulat si Greko nang bumukas ang pinto ng kotse at pumasok si Lyra at nakabihis pa ito. "Huwag ka ng magtanong,"bara ni Lyra sa asawa. "Alam mo na yong sagot. "Next week ka na lang mag-leave, aalis na din yan sila. "Yes, sa ngayon maging workaholic muna ako. Diba may bikini show ngayon sa Resort? Doon mo ako ihatid,"nakangiting saad nito. "Ayan umaataki na naman yang pagiging maniac mo," sabi ni Greko. "Hindi naman halata kasi maganda naman ako. Sandali tatawagan ko si Rosie. "Gusto ko din sa Resort," saad ni Greko then ngumiti ito at kumindat. "Gwapo mo," sabi ni Lyra. "Ang swerte ko sayo . "Huwag mo na akong lokohin, alam ko na idudugtong mo, gwapo ako kasi may resort ako at maraming naka bikini, manyak talaga ke babae mo! Napahagalpak ng tawa si Lyra. Huling-huli kasi ang mga linyahan niya. "You can change naman the venue of your meeting, pwedeng sa resort kayo diba? "I'll call Rosie. "Anong gagawin mo? Hoy wag mong sabihing ipa cancel mo? Dahil ayaw ni Greko na masolo ni Lyra ang bikini show ay sinama nito ang asawa sa company at pina change ang schedule ng show to afternoon. Binigyan pa nito ng additional na trabaho si Lyra, pinag print at pinag scan pa nito ang asawa at ang sexy nitong secretary na si Dianne ang isinama sa conference for Director's Meeting. Nadatnan ni Rosie na nag cocompile ng mga printed documents ang boss niyang si Lyra sa loob ng office ni Greko, nagulat ito sa nakita at dali-daling binawi ang stapler at papel kay Lyra. "Naku Ma'am ako na dito, asan ba si Dianne. "Ano ka ba Rosie nakakagulat ka. Akin na nga yan," akmang bawiin nito ang mga papel pero umilag si Rosie. "Ako na ma'am, leave niyo pa naman ngayon at tsaka kung gusto niyo mag trabaho bakit dito ka nag work? may department naman tayo doon sa HR dami kaya papel doon. "E ikaw bakit ka nandito? Hindi naman to HR dito? "Ay pinahatid kasi ni Sir yong mga design ng bikini para mamaya sa show. "Patingin. Inabot naman ni Rosie ang listahan at sinipat yon ni Lyra na parang interesado siya sa mga bikini pero ang totoo yong mga model na long-legged ang habol niya. "Ma'am bagay sa'yo maging finale model ng bikini mamaya,"saad ni Rosie. "No thanks. "Sexy ka naman Ma'am e. "Ayaw ko ng mga ganito, mas gusto ko yong model. "Ano po ma'am? Gusto niyong mag model? "Hindi, ibig kong sabihin magaganda ang model ngayon. "Ay syempre po, tayo ang pumili e. Goodbye talaga sa maiitim ang singit at mga chararat. Mga 12:00 PM ay napansin na nilang nagsipagbalikan na ang ibang directors sa mga table nila kaya siguradong tapos na ang meeting. Pero wala pa si Greko at gutom na si Lyra. "Ma'am pahatidan ko na lang po kayo ng pagkain dito ni Sir, tatawag ako sa canteen,"suhestyon ni Rosie. "Huwag na, sa canteen na kami kakain. Dadaanan ko lang si Greko sa conference. Pwede ka na ring sumabay. "Ay mag food panda na po ako, craving po ako ngayon ng one-piece chicken, hehe. "Okay sige, mauna na ako. Tinted-Glass Door ang Conference kaya di makikita kung sino ang nasa loob kaya diretso ng binuksan ni Lyra ang pinto at pumasok at ang nadatnan niya ay nakatalikod sa kanya si Greko at naksandal ang katawan nito sa conference table. Tapos ang kamay nito ay naka-angkla sa may bewang ng isang babae. Walang iba, sa secretary nito. Ang kamay naman ng babae ay naka pulupot sa batok ni Greko. Hindi bubo si Lyra para di niya malaman ang ginagawa ng dalawa. Intense ang halikan e. Hindi man lang napansin ang pag-ingit ng glass door at ang presence niya. Ni sa kasal nila walang ganitong eksena, dinaan lang nila sa tawanan ang kiss portion. Galing sa bewang ay bumaba ang kamay ni Greko, sigurado siya sa puwet na yon pumunta at naririnig na ni Lyra ang tunog ng malanding halikan ng dalawa. Nasusuka siya! Kaya bago pa may pumasok na iba ay tumikhim na siya, wala siyang paki-alam kung matunaw sa hiya yong babae. Biglang naghiwalay ang dalawa at napalingon sa kanya. Yong secretary lang ang gulat, si Greko ay nagpunas lang ng labi, effortless.. Parang binabad sa suka ang secretary, hindi kinaya ng maybelline lipstick nito ang kaputlaan nito or baka hinigop na ni Greko ang matte lipstick nito dahil sa intense ng halikan. Hindi alam ng Dianne ang gagawin, naguguluhan ito sa next move dahil wala din namang ginawa si Lyra. Tumingin ito kay Greko na parang humingi ng saklolo. Sumenyas naman si Greko dito na lumabas na. Akmang hahakbang si Dianne palabas ay, humakbang din palapit si Lyra dito. Napa atras ito. "How dare you,"saad ni Lyra. "S-sorry po," nauutal at puno ng nerbiyos na sabi ni Dianne. Nakayuko ito. "HOW DARE YOU!," sigaw ni Lyra at PAK! At mabilis na dumapo ang kamay niya sa mukha ni Greko. Plakadung-plakado. Napanganga si Greko at Dianne sa gulat. Twist. Akala siguro ni Dianne siya ang sasampalin. "Get out, b***h!," nakatikwas pa ang kilay na taboy ni Lyra dito. Umiiyak na tumakbo si Dianne palabas ng Conference. Parang asong nabahag ang buntot. Naiwan naman si Greko na hawak pa rin ang mukhang nabigwasan. Gulat na gulat pa rin ito sa lakas ng sampal na natamo niya. "Okay ba?'," nakangiting tanong ni Lyra. "Satisfying,"palatak nito at hinipan pa ang kamay na ginamit sa pagsampal. "Satisfying? Bakit ako ang sinampal mo?," inis na turan ni Greko. "Sorry, ang kinis kasi ng mukha ni Dianne e, poreless, tapos sasampalin ko lang? baka mag ka bruise pa. Okay ka lang ba? Akmang hawakan ni Lyra ang mukha ni Greko pero tinabig nito. "Grabe ka, sa sobrang late ng reaction mo nakasampal ka pa a? " At least nag react, mas malala kung hindi ako nag-react at tsaka if real-life scenario yon, as babae syempre kung sino yong mas malapit yon yong una kong kakalmutin. "Nasa contract diba? No invasion of privacy!," inis pa ding sabi ni Greko. "Sorry na kasi, di ko kasi napaghandaan ang mga ganitong eksena, nadala lang ako ganon kasi yon sa mga kdrama. "Hindi napaghandaan a? Ang hapdi nga ng mukha ko e. "Akin na patingin. Di na rin pumiglas si Greko ng sipatin ni Lyra ang mukha niya, minassage ito ni Lyra at hinipan para mabawasan man lang ang sakit. "Tama na, nakikiliti na ako. "Huwag kang malikot! Kaso nakikiliti si Greko kaya bigla siyang lumingon at diretsong dumampi ang labi niya sa labi ni Lyra. Nagulat silang dalawa pero mas madaling naka get-over si Lyra and for the second time lumagapak ang mukha ni Greko. Napa-igik na talaga si Greko. "Sorry, sorry!," hindi na alam ni Lyra kung saan siya hahawak. Para na kasing gugulong sa sakit si Greko." Bakit ka kasi nanghahalik? Galing sa labi ni Dianne tapos sa akin na naman, ang dumiiiii!!!," at nagpapadyak na siya. "Para na tayong nagthreesome!," at pinagpapalo ni Lyra ang bibig niya na para bang burahin ang halik ni Greko. "Hahaha,"napahagalpak ng tawa ng marining ang salitang threesome. "Threesome talaga, hilig mo sa porn! anong website mo? "Bastos nito, wala no. "Youjizz sa akin," at kumindat si Greko. "Marami sa akin, naka bookmark lahat may laban ka? At ayon parang sira silang nagtawanan akala mo walang nasampal ng dalawang beses.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD