Malalakas na ungol ang maririnig sa loob ng masters bedroom ng mag-asawang Greko at Lyra, sa klase ng ungol hindi yon ungol ng nasasaktan kon di ungol ng nasasarapan. Kanya-kanyang bulungan ang mga katulong na nandoon. Para sa kanila sila ang nahihiya sa ungol ng Ma'am Lyra nila.
"Babe..... Hardeeerrrrr....
Napatutop na sa bibig si Aling Ella, siya ang head ng mga maids ng Pamilyang Condero.
Ang ibang maids naman ay nagsipaghagikhikan na waring kinikilig sa mga naririnig nila.
Bumungad naman sa kanila si Lola Becky. Siya ang Lola ni Greko na galing sa States at kinukulit na ang mag-asawa na dapat ay magkaroon na ng anak.
"Anong ingay yon?," napatingin pa sa second floor ng bahay ang matanda.
Napakamot sa ulo si Aling Ella.
" Eh kasi kayo naman po Madam, prinessure niyo ang mag-asawa kagabi na dapat magakaanak na kaya ayan, naku... ke aga-aga pa, ang ganda ng exercise nila," napahagikhik na din si Aling Ella.
"Ibig sabihin nag ano sila?," hininaan pa ni Lola Becky ang boses para bang ayaw nitong disturbohin ang malakas na ungol ni Lyra.
"Ganon na nga po.
"Ganyan ba sila lagi?," natutuwang tanong ng matanda.
"Ngayon lang sila ganyan kalakas Madam.
"Naku! Mahal talaga ako ng apo ko!," palatak ng matanda. " Excited na ako sa apo ko sa tuhod!
"Ma anong ingay yon?," nakadamit pantulog pa na tanong ni Amanda siya ang Mama ni Greko.
Ngiting-wagi lang ang tugon ni Lola Becky.
"BABE...... MALAPIT NA AKOOOO...
"GIVE IT TO ME BABY.....
"OH MY GOD!," napatutop sa bibig si Amanda. " Nanay Ella, go up stair at sabihin mo sa kanila na tumahimik sila! Baka magising si Gerry,"tukoy nito sa Ama ni Greko.
"Ay naku Amanda, let them be! Mag-asawa na sila! Let them enjoy their strength!," tuwang-tuwa na sabi ni Lola Becky.
"But Ma, rinig sila sa buong bahay,"giit ni Amanda.
"Naku! parang kayo ni Gerry di ganyan! naririnig ko din kayo noon no, di nga ako nag reklamo," umismid pa ang matanda.
"Pero hindi ganito kalakas, parang naka megaphone, nakakahiya!
"Hayaan mo na sila, apo natin ang ginagawa nila, ayaw mo ba ng apo?
Ang nakabusangot na mukha ni Amanda ay biglang nagliwanag nang marinig ang salitang apo.
"Okay, Nanay Ella wag mo silang disturbuhin instead prepare a heavy breakfast dahil siguradong gutom ang mga yan, babalikan ko lang si Gerry at baka gising na siya, Ma, this is for our future Apo!," at nag apir pa sila ni Lola Becky.
Samantalang sa kwarto naman ng mag-asawa ay nasa may pintuan si Lyra at nakadikit ang mukha sa may pinto habang si Greko naman ay nasa kama busy na busy sa paglalaro ng Mobile Legend.
"BABE.... GRABE...KA.....," pasigaw na sabi ni Lyra.
"Hoy OA ka na, tumigil ka na diyan,"saway ni Greko.
Lupaypay na umupo si Lyra sa dulo ng kama halatang napagod sa eksenang ginawa.
"Paano pag nalaman nilang mag-asawa lang tayo sa papel? Ang kulit na ni Lola Beks kala mo naman ni wiwithdraw lang sa ATM Machine ang bata.
"Hayaan mo lang sila," sagot ni Greko na tutuk na tutok pa rin sa ML.
"Tigil mo na muna yang laro mo, kinakabahan na ako sa Lola mo," nagtaas na ng boses si Lyra kaya natigil na din si Greko.
"Okay I'll give you three amazing choices,"umupo si Greko at sumandal sa headboard.
"Ano?
" First, let's adopt. Doon sa orphanage na nabisita ko last week ang daming cute na bata as in matatalino din, meron nga don kamukha ko pa.
"No!, hindi natin alam ang mga pinanggalingan nila, what if may linya sila ng bipolar? Mas dadami na yong lahi mo?
"Wow, nakuha mo pang mang-asar a? Okay may dalawa pa naman. Second, I'll choose from may flings at bubuntisin ko.
" Condero's Marriage Contract version 2, Number 6 " we have the right to say no on someone's decision if it's unacceptable on his/her part." So..No!
"Ngayon mo talaga gagamitin yan?
"Baka may AIDS ang isa sa mga fling mo.
" It's okay hindi naman kita mahahawaan dahil hindi naman tayo nag sisiping.
"Kahit na, don na tayo sa choice number 3.
"Aminin mo nga, ayaw mo akong angkinin ng iba no?," nanunudyo na ang ngiti ni Greko.
"Excuse me, hindi a. Ayaw ko lang ma involve ka sa mga gawaing karumaldumal! Hello... bestfrend mo ako sa college and kilala na kita from kuko to balakubak, and though we are tied only through papers may concern pa din ako sayo no, ikaw kaya yong naghiganti para sa akin sa ex ko and its a big deal for me. Kaya special ka sa akin.
"Aminin mo nga sa akin, do you still like her?
"Tsismoso ka! option three na.
"Seryoso, sa araw-araw na nakikita mo ang abs ko at mga muscles ko, babae pa rin ba ang gusto mo?
Hindi agad nakasagot si Lyra, nag-isip ito.
"Oy.. confused na. Na-aakit ka na sa akin no?,'tinusok tusok pa nito sa tagiliran si Lyra.
"Ano ba!," piksi nito. "One year na tayong mag-asawa kung naakit pa ako sayo e di matagal na kitang ginapang!
"Seryoso ka? di ka talaga naaakit sa akin?
"Hindi nga! ang kulit! Option three na! gutom na ako!
"Bilis maka change topic a? nagdududa na ako sayo. Nagwoworry na ako sa virginity ko," at nag cover pa ng unan sa dibdib si Greko na parang natatakot.
"Tskkk.. Virginity my ass!
"Hoyyy! grabe to. Okay di na kita kukulitin. According to Marriage Contract v.2 number 3: No invasion of privacy.
"Hayyy.. buti naman may alam ka diyan. Ano na yong Option 3?
"Let's do it! Let's make love as if there's no tomorrow para mag ka apo na si Mama at si Lola Beks at happy ang lahat,"napapalakpak pa si Greko.
"Option Three mo yan?
"Oo hinuli ko talagang sabihin yan kasi as of now yan ang inaka realistic sa lahat. Diba?
Hindi umimik si Lyra. Napakuyom ito ng kamao.
"Ayaw mo?
"Marriage Contract v.2 ----
"Alam ko number one yan , but I'm willing to breach the contract if pipilitin mo ako,"nakakaloko ang mga ngiti ni Greko at may pakindat kindat pa.
Tumawa si Lyra, napapalakpak pa ito sa kakatawa.
"O diba? mas bet mo yong number three?," proud na proud pa ang mukha ni Greko sa suggestion nito.
Tumayo si Lyra.
"Okay!, " palatak ni Lyra.
"Okay ka sa number three? Okay!!," napasuntok pa sa hangin si Greko akala mo waging-wagi.
"Okay, let's go to number four!, i must kill you!" saad ni Lyra at lumundag ito sa kama at sinimulan ng pinagpapalo ng unan si Greko.
Tawa naman ng tawa si Greko, trip niya talagang inisin si Lyra.
"BABE ANG SARAPPPPPP... SIGE BABE....," sigaw ni Greko.
"Tumahimik ka nga!,"kinurot ito ni Lyra.
"AAAHHHH.. BABE.....
Napatingin na naman sa second floor ang lahat na sa ibaba na busy sa paghahanda ng agahan.
Napapatalon pa si Lola Becky.
"Hanep ang apo ko! mana sa Lolo!