Nagising akong nilalamig ang buong katawan ko, pagtingin ko sa katawan ko ay nakapanty at bra na lamang ako. Babangon sana ako nang maramdaman kong may tali ang mga paa ko. "Lex! Ano'ng ginawa mo sa akin? Bakit meron akong tali sa mga paa ko!"galit na sigaw ko sa lalaki habang nakauposa sofa. Nakita kong umiinum ito ng alak. Mayamaya pa'y tumayo ito at lumapit sa akin pagkatapos ay naupo sa kama, kung saan ako nakahiga at nakatali. "Tskkk! Ang tagal mo akong pinahirapan sa paghahanap sa 'yo, honey," wika nitong nakangisi sa akin. "Bakit ginugulo mo pa ako? Di ba meron ka nang babae at si Nacy iyon!" asik ko rito. "Sinong may sabi sa 'yo na babae ko si Nancy?" tanong nito. "Huwag ka nang magkaila pa, Mr. Lord, kung makipaghalikan ka nga sa kaniya ay wagas!" "May dahilan ako kaya nag

