"Honey, alis na ako...bulong sa akin ni Lex. Pero ako ay antok na antok pa. Naramdaman ko pa nga ang pag halik nito sa labi bago umalis. "Kapag nagising ang Ma'am, Kara, ninyo ay dalhan n'yo ng pagkain sa itaas!" narinig kong bilin ni Lex sa mga kasambahay nito kaya napangiti na lamang ako. Anim na buwan na kaming kasal ni Lex, masaya naman ang buhay may asawa kahit, nagkakaroon ng kaunting away. May ngiti sa aking labi nang pumikit ako upang matulog ulit. Nagising lang ako sa tunog ng cellphone ko, tumayo ako upang kuhanin sana ang phone ko nang maramdaman ko ang hilo, kaya na pahiga akong muli. Pero makulit ang tumatawag sa cellphone ko kaya marahan akong bumangon. Nakita kong si ate Lara ang tumatawag sa akin. "Ate," wika ko. "Nasaan ka ngayon bunso?" tanong nito. "Nandito sa ba

