SI LILI ang nag manage ng bookshop noong wala siya for more than a year. Kinokontak siya nito through e-mails kapag may problema pero so far so good naman ang pagpapatakbo ng kaibigan. "Inday Samara, aalis muna ako bukas ng maaga," sabi nito habang inihanda ang kanilang hapunan. "Pupuntahan namin ni Remus 'yong caterer para sa kasal." Napangiti si Samara. "Hindi mo pa sinabi sa'kin kung paano mo inakit si Remus." Tumawa si Lili. "Nahulog siya sa mga masahe ko Inday." Namilog ang kaniyang mga mata. "Binigyan mo siya ng private massage? Grabe ang kamandag mo Inday!" Hindi talaga masasabi kung ano ang itinadhana sa isang tao. Hindi siya nag expect na magkakatuluyan si Lili at Remus. Noon panay ang reklamo nito sa masungit na boss pero ikakasal ang dalawa sa loob ng tatlong buwan. Kumabo

