Bente Dos

1645 Words

DUMIRETSO si Samara sa Sandayong pagkatapos magliwaliw sa ibang bansa ng ilang buwan. Pinuntahan niya ang dating tagpuan nila ni Lance at hindi niya mapigilang mapaiyak siya sa nadatnan. Wala na ang bahay-kubo. Ito ang lugar kung saan pinaghirapan nilang dalawa ni Lance na ibuo. Dito sa lugar na 'to, sa harap ng dalampasigan sila nagkasal-kasalan silang dalawa. At sa bahay-kubo niya ibinigay sa unang pagkakataon ang kaniyang sarili sa nobyo. May kirot pa rin siyang nadama sa pagunita ng nakaraan. Inaamin naman niya na hindi basta-basta mawawala ang hapdi ng kahapon. Pero alam din niya na maghihilom din ang mga sugat pagdating ng panahon. Bumuntong hininga siya at kinapa ang singsing sa kaniyang bulsa. Ito ang simbolo ng pagmamahalan nila ni Lance noong dise sais siya at dise otso ito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD