UMALIS si Samara ng bansa para hanapin ang sarili. Malamang unconsciously nag ipon siya ng higit limang taon para rito. Unang sumama si Lili sa kaniya sa Thailand ng tatlong linggo, sumunod naman ang kapatid na si Joseph para magliwaliw sa Singapore. Kahit ayaw ng kapatid ay nagpa enroll siya ng yoga sa India ng apat na buwan. Pero kulang pa rin ang paghahanap niya sa sarili kaya nagpasiya siyang pumunta ng China at Japan ng isang buwan. Hindi pa rin kuntento si Samara at nagsimulang nagplano para sa Europe. Nang malaman ito ng pinsan niyang si Ate Sophie ay lumipad ito mula sa Davao City para samahan siya sa paglalakbay. Isinama pa ang best friend nitong si Marie. "Ay Inday ang guwapo ng lalaki oh," bulong nito sa kaniya habang nasa isang cafe sila sa Paris. "Maganda ang pangangatawan,

