"LANCE." Naluluhang tumayo siya at niyakap ang lalaki. "Sammie sorry," humikbi na rin ang lalaki. Hinaplos nito ang kaniyang mukha at hinalikan ang kaniyang noo. "Sorry Lance ha," sabi niya. Umiling ang lalaki. "Sana gumawa ako ng paraan para hanapin ka nung time na okay na talaga ako. Sana hinabol kita at nag demand ng paliwanag mula sa'yo." Narinig niya ang pagsara ng pinto kaya napa bitaw siya sa pagkayakap kay Lance. Umalis na si Nate. "Nate..." hindi maiwasang bulong niya. Biglang kumabog ang dibdib niya. Parang may nawala na parte sa buhay niya noong nakitang sirado ang pintuan. Parang may panic na namumuo sa kaluluwa niya at pilit niyang kontrolin ang sarili. "Siya ang nagbalita sa akin kahapon Sammie," sabi nito. "Pinuntahan niya ako sa opisina." Namilog ang mga mata niya

