bc

Never Give Up On Us

book_age4+
778
FOLLOW
4.8K
READ
others
drama
comedy
sweet
humorous
heavy
lighthearted
serious
mystery
spiritual
like
intro-logo
Blurb

Laki sa hirap at bundok si Lani pero hindi ito naging hadlang para hindi sya mangarap,sa edad na 18 namasukan sya yaya sa isang mayaman sa kanilang bayan para matustusan ang kanyang pag aaral,dahil nagustuhan sya ng amo nya pinag aral sya nito ng libre, kaya naman nakapag tapos sya sa kursong nursing,at habang nag hihintay ng resulta ng board exam nag extra muna sya mag alaga sa kapatid ng amo nya na 65 yrs old dito sa Makati city Manila. nagka mild stroke ito kaya hindi maigalaw ang kabilang braso o katawan kaya kailangan ng alalay , at dito nya makilala ang lalaki na magpapatibok ng kanyang puso,

Aiden Mcgratt Smith happy go lucky,playboy at lahat ng gusto nya nakukuha nya hindi dahil mayaman sya kundi lahat ng yon sa sipag at tiyaga nya na makapag patayo ng sarili nilang company with his cousin and best friend Adam.for him,women is only for pleasure and he doesn’t believe in marriage or love,love has an expiration to like what happened to his parents I traveled everywhere too because of my job and at the same the company that I inherited from my grandmother.and my latest destination? Philippines! I heard alot about Philippines specially my cousin married to a Filipino.i will be staying in my friend Jacob hotel who is half Filipino and American they will be going some places in the Philippines.Hopefully it will good.

This is Base on true story. Pinalitan ko lang yong names ng mga character. Thank you sa co worker ko na nagpa hiram ng pangalan nila,at lahat po ng bed scene o spg,gawa gawa ko nalang,

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Nagising si Lani sa kaluskos mula sa maliit nilang kusina.gawa lamang sa kahoy at kawayan ang bahay nila dito sa probinsya ng Negros Oriental pero may sarili naman silang silid na magkakapatid at hiwalay ang lalaki at babae. Pang apat siya sa limang magkapatid at kasalukuyan syang nag bakasyon sa kanila.katatapos lamang ng kanyang final exam sa kursong nursing at nag bakasyon sila madam sa Singapore kaya umuwi muna sya para makita at makasama mama nya. “Maayong buntag (good morning) Mama,bakit ang aga nyo po nagising”? Tanong ko na naghihikab pa.masarap matulog dito samin kasi malamig. “Good morning Anak, oh ha English yon“ sagot ng nanay ko na nakangiti,kahit nasa bundok sila, walang kuryente, malayo sa bayan pero marunong mag basa at mag sulat ang mama nya dahil kahit paano naka tapos naman ito ng elementarya, yon nga lang maaga nag asawa pero ganon pa man mahilig magbasa ng kung anu-anong babasahin si mama kaya madalas mas marami pang siyang alam na history ng bansa kaysa sakin.kahit nga yong bigay na babasahin diyan sa kapitbahay naming Je**va witnesses binabasa niya. “Sa susunod mama mag dala ako ng maraming English na aklat para makapag basa po kayo” sagot ko na nag titimpla na ng kape, alas 6 pa lang ng umaga at malamig ang sariwang hangin hmmmmmm. “Eh anak pwede mo ba ako dalhan ng pocketbook? Naka basa kasi ako ng pocketbook at maganda sya,nahiram ko dyan kay aling belin uwi daw ng anak nya galing Manila, naku ang ganda anak kasi na imagine ko yong mga nabasa ko para na rin akong nakapunta doon” si aling belin ay kapitbahay namin at kasundo ng mama, mabait naman si aling belin pero yong anak nya sobrang sungit, akala mo naman kinaganda nya . “Sige po mama,mahilig din po mag basa ng ganon c madam kaya baka pwede ko rin po hiramin sa kanya. Mahal po kasi yon at nag iipon pa po ako,” sagot ko kay mama “Ay ganon ba? Ok lang anak nakakahiya sa amo mo,Kumusta naman pag aaral mo?” “Ok naman po mama,mahirap po pero kakayanin ko para sa pangarap natin!” Sagot ko kay mama. “Good morning sa 2 magandang babae sa buhay ko” bati ng kapatid ko na si Alejo Magtibay. “Good morning din,”sabay namin ni mama bati sa kanya, “ may pasok ka ba ngayon?” Tanong ko sa kanya.16 yrs old na ito nasa last year na ng high school. “ Opo ate , may exam kami ngayon kaya dapat maaga ako,” sagot nya, “Oh sige na kumain ka na at para makapag bihis ka na anong oras na”sabi ni mama sa kanya. “Hwag ka mag alala mama 8am pa ang klase ko kaya may oras pa po ako sa maganda kong ate,” sagot ni Ale kay mama. “Ay nambola pa Mag aral kang mabuti ha”sabi ko sa kanya. “Opo ate, mataas po kaya mga grades ko at balak ko rin po mag apply ng scholarship sa lungsod”sagot nya sakin. “Support ako dyan, basta ba kaya mo” (Ayo! Ayo! Ale? ) sabay kami napalingon sa pinto,tumayo si Ale para buksan ang pinto. “Oh sally ikaw pala,pasok ka muna” aya ng kapatid ko sa bisita, mukhang kaklase nya ito basi sa uniforme. “Hwag na hintayin nalang kita dito, magandang umaga po tita Magda,at sayo din po ate” sabay ngiti.maganda sya at mukhang mabait, “Magandang umaga din sayo Sally,halika almusal muna tayo” aya ni mama sa kanya. “Naku Salamat po tita pero tapos na po ako”sabay ngiti ulit, habang ako nakikinig lang sa kanila. “Bagong lipat sila Sally dito satin kaya ngayon mo lang sya nakita,sila yong nakabili ng lupa ni tata karding”sabi ng mama nya sa kanya, tumango lang ako.kaya pala hindi ko sya kilala. “Mama, punta po ako mamaya kina Ara, na miss ko na kasi yon” paalam ko kay mama. “Sige at ako’y maglalaba sa ilog ngayon ayaw mo bang sumama? Maganda ang ilog ngayon dahil tag araw na”ani ni mama. “Sige po mama,sa susunod na araw nalang ako punta kina Ara, namis ko din ang ilog” excited na sagot ko kay mama. Naka alis na kapatid ko at yong bisata namin kaya nag hahanda na kami ni mama punta ng ilog medyo malayo ito sa bahay namin kaya kailangan na maaga talaga kami pupunta doon para maka uwi din ng maaga. Buhay probinsya,simply,sariwang hangin at pagkain.at higit sa lahat tahimik.Tanghali na ng matapos kami ni mama mag laba at naka uwi sa bahay. After 1 week of vacation. Balik trabaho na naman ako, “ mag iingat ka sa biyahe anak,yong mga bilin ko ha hin———-?” Bilin ni mama sakin. “ mama naman Opo, hindi ko ibigay ang puday ko sa kahit sinong lalaki” sinabayan ko na sya hehehhe pa ulit ulit ba naman bilin sakin. “Naku ka talagang bata ka!” Sabay hampas sa braso ko. “Opo mama ibigay ko ito sa magandang lalaki at may blue ang mata para maganda lahi ng apo nyo” biro ko kay mama ayon naka tanggap ako ulit ng hampas. “Si ate saan naman kaya meron ganyan na lalaki blue ang mata? Pwede kung naka contact lens” sabat ni Ale samin. “Aba meron kaya,nakita ko sa tv at magazine.” Sagot ko naman sa kanya. “Sige nga ate uwi an mo kami ng blue ang mata ha?” Sagot nya at pareho kami nahampas ni mama . “Kayong dalawa mag tigil kayo! Wala na nga akong kasama pag mag asawa kayo,”sabi ni mama. “Asawa agad mama? di ba pwede bf o gf muna?” Sabi naman ni Ale. “Oi! Oi! Anong gf yang pinagsasabi mo ha? Hoy mag aral ka muna” sabat ko naman sa kanya, “ opo ate mama, kayo talaga ako naman nakita nyo” naka ngusong sabi nito, akala mo naman bagay sa kanya para tuloy syang pato. “Sige mama alis na po ako , baka maiwan ako ng barko.” Paalam ko sa kanila sabay yakap at halik. “ mag iingat ka anak” “ mag ingat ka ate” Sabay nilang sabay ni mama at Ale habang kumakaway sakin.parang gusto ko umiyak pero hindi nila pwede makita na iiyak ako kasi baka mag alala pa sakin si mama, haaaay kaya mo yan Lani !!! Malayo layo din ang nilakad ko papuntang paradahan ng jeep. “Manong meron pa ba?” Tanong ko sa driver,taga kabilang baryo yata si kuya. “Meron pa ineng tatlo pa yan,sumakay ka na”sagot niya kaya inayos ko ang dala kong sako bag na may lamang gulay at prutas mula sa taniman namin medyo may kabigatan nga lang pero okay lang dahil sanay naman na ako. Sigurado ako na matutuwa si nanay Mila nito sa dala ko para sa kanila.taga Mindoro si nanay Mila at matagal na raw di siya nakakauwi sa kanila kay miss niya na sa kanila. Mayamaya pa puno na rin ang jeep.nakarating ako sa pantalan limang oras bago magbiyahe,inagahan ko talaga ang pagpunta para di ako maiwan ng barko mahirap na.nag hintay muna ako dito sa gilid ng pantalan at marami na ring pasahero ang andito naghihintay. Naghanap ako ng maupuan ko at medyo ngalay na rin ang braso ko sa bitbit kong sako bag. Mabuti nalang may nakita ako dito sa gilid kaya umupo na ako at kinuha ang aklat na baon ko review din pag may time.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.1K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook