Mag t-two months na mula ng umalis si Aiden at hindi man lang sya tumawag sakin o sa anak namin. Minsan nag tatanong ang anak ko at sinabi ko nalang na busy ang daddy nya.malapit na rin matapos ang pag aayos ko sa pwesto na nabili ko dito sa bayan. 100sq metter lang ang laki nito.inayos ko ang dingding at flooring dahil gawa sa kahoy sya kaya pinalitan ko ng hallowblocks at pinagawaan ko ng isa pang palapag para mas accessible para sa amin.mini grocery store ang napili ko kaysa damit. Mga pangunahing bilihin sa loob ng bahay gaya ng bigas at kung ano ano pa. “May napili ka na ba ate? Masakit kasi tiyan ko kailangan ko pumunta ng banyo”Boses ng kapatid ko.kanina pa kami dito namimili ng tiles.di ko alam pero wala akong nagustuhan sa mga naka display. “ wala akong nagustuhan eh,sige na pu

