Chapter 26

1141 Words
Sabado 5am pa lang gising na ako kasi mag lalaba ako.maingat akong lumabas ng kwarto dahil ayaw ko magising si tita madam, pero pag bangon ko nakita ko sya gising na at nag babasa ng bible habang naka sandig sa headboard ng kama. “Good morning po, ang aga nyo po nagising?” Bati ko sa kanya . “Good morning din iha, ganito yata pag tumatanda na” sabi nya na tiniklop ang binabasa at tinanggal ang salamin sa mata. “Ikaw bat ang aga mo nagising dapat mahaba ang tulog mo kasi off mo sa hospital” tanong nya kaya napa ngiti ako. “Maaga lang po akong nagising.kayo po May gusto po kayong gawin today? Sasamahan ko po kayo?” Sabi ko at nakita ko nag liwanag ang mukha nya. “Samahan mo akong mag lakad sa labas?” Sabi nya pero nag alala ako. Sige po pero 20 minutes lang, kung gusto nyo po isakay ko kayo sa wheelchair at punta tayong park?” Sabi ko at buti naman pumayag sya. Naku mahirap na baka matumba pa sya at mabali ang buto, “Ok sige, kahit ipilit ko di naman ako mananalo sayo,” sabi nya na may pagsuko. “Hehhehehe hindi po talaga ako papayag na maglakad kayo ng matagal at malayo.hindi ko po kayo kayang buhatin” pabiro kung sagot. “Ah ganon,sinasabi mong mataba ako?” Tanong nya kaya napa tampal ako ng bunganga, “Ay hindi ko po sinabi yan”nag pipigil ako tumawa, “Ako bay niluluko mo ha? Sige ka hindi ako kakain mamaya” panakot nya sakin kaya lagot na napikon ata. “Hindi po talaga, ang sexy nyo pa nga rin po kahit matanda na kayo.” Sabi ko pa sa kanya, “Sinong matanda?” Sabi nya kaya napa iling ako. “Kayo po, sinabi nyo po yan nong Tinanong ko kayo kung bakit ang aga nyong nagising” sagot sa kanya at sya naman napailing nalang, “Lahat nalang ng sasabihin ko may sagot ka.” Sabi nya na naka simangot, “Hwag na po kayong magalit, ang wrinkles tita madam?” Sabi ko at ayon ngimiti na sya. Inasikaso ko ang bihisan nya at nag dala din ako ng tubig at cracker na favorite nya incase gotumin sya sa park. Inalalayan ko sya bumaba kahit kaya pa pa naman nya pero nag iingat lang ako baka madulas sa hagdan. Pasikat na ang araw ng lumabas kami ng bahay. “Upo na po kayo dito ng makalarga na tayo” aya ko sa kanya at dahan dahan syang umupo sa wheelchair nya. Magada tong wheelchair nya kasi pwede mong e operate na authentic at pwede rin hindi.may mag nag jojoging na rin akong nakikita ,huminto kami sa tabi ng swing, walang pang tao dahil 6am pa lang. “Alam mo ba na madalas kami dito noon bata pa si Allan,” kwento nya sakin.tahimik lang akong nakikinig. “Twing sabado o linggo pag wala akong trabaho dito kami. Wala pang masyadong bahay dito noon.at sa twing pasko o bagong taon umu uwi kami sa negros para doon mag celebrate ng pasko at new year.mas gusto nga doon ni Allan kasi may naging kalaro sya doon na anak nong suki namin sa gulay.pero dahil dito ako nag wo work kaya bumabalik din kami pagkatapos ng new year.ang bilis ng panahon. Ngayon matanda na ako at may sarili na rin syang pamilya.alam mo ba na hindi naman talaga nagmamahalan sila allan at helen? Pero dahil gusto ko na magkaroon siya ng magandang buhay kaya pinag kasundo ko sila, pumayag naman mga magulang ni Helen.dyan lang din sila sa katabing street.pero nakikita ko naman sa kanila na maayos silang nag sasama at nagkaroon ng tatlong anak.masaya na rin ako kahit papano.na guilty kasi ako. May ibang gusto g babae si Allan noon,bata pa lang sya pero alam ko na may gusto sya doon sa naka ng suki namin ng gulay.mabait naman bata yon, yon nga lang natatakot ako para sa anak ko. Kaya pinag layo ko sila. Pina alis ko ang mga magulang ng bata.binigyan ko ng malakaing halaga para maka bili sila ng sarili nilang lupa para hindi na sila makikisaka sa katabi nilang lupa sa kundisyon na hwag na silang magpapakita pa samin lalo na ang anak nila sa anak ko. Buti naman at sumunod sila.nalaman ko nakabili nga sila ng lupa. Pero hanggang doon nalang yong nalaman ko.” Mahaba nyang kwento. “Ganon po ba?mukhang mahal na mahal naman po nila sir Allan at ma’am helen ang isa’t isa” sabi ko . “Siguro dahil sa paglipas ng panahon natutunan din nila mahalin ang isa’t isa.” Sabi nya, kaya napatango ako pero naisip ko yong sarili ko, mahal ko si Aiden kahit gusto ko pa syang ipaglaban pero hindi ko naman alam kung paano? Nasa kabilang mundo sya.wla naman akong yaman para sundan sya doon, napa buntong hininga ako sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. “Ang lalim ng buntong hininga mo.”puna nya sakin. “Wala po masarap lang sa lungs yong sariwang hangin sa umaga”sagot ko,at inikot na namin ang park. 8am na nong nagyaya na umuwi si tita madam.pag dating namin handa na ang breakfast at ako naman hininda ko mga vitamins nya.matapoa syang mag breakfast inakyat ko na at inalalayan sa pag ligo. At pagkatapos hinarap ko naman mga labahin ko. “May ipagagawa pa po ba kayo?” Tanong kobsa kanya . “Wala na at mag babasa muna ako, kung may gagawin ka gawin mo na at ok lang ako dito” sabi nya kaya lumabas na ako ng kwarto nya. Masarap ang hangin na pumapasok mula sa veranda nya, may rihas na man yon kaya safe sya mag tambay doon. Kinuha ko muna ang phone ko at bumaba na dala ang labahin ko.sinalang ko muna sa washing ang mga labahin ko at binabad ko naman mga under garments ko sa batya.,nag play ako ng favorite kung boyband na west life at boyzone.ngunit nalungkot lang ako dahil yong kanta parang kutselyo lang na humihiwa sa puso, naiyak ako sa sakit. Na miss ko na sya pero hindi ko maintindihan bakit hindi man lang sya nag reply sakin. Play the song (i wanna grow old with you). Ang sakit lang na pagkatapos ng lahat kinalimutan nya na ako. Pero ok lang tatanggapin ko parin kung ano man ang reason nya. Ngayon ko na realized na mahal ko talaga sya. Mahal na mahal.hindi ko alam kung hanggang kailan ko dadalhin ang pag mamahal na ito. Masakit pala. Tinapos ko na ang paglalaba at sinampay, umupo muna ako sa garden at nagpa hangin.makulimlim din ang panahon na parang nakikiramay sakin.Lord kung totoo man na mahal nya ako sana bigyan mi ako ng lakas para lumaban sa buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD