DAMON POINT OF VIEW Ang interrogation room ay nanatiling malamig at tahimik habang ang lider ng Shadow Wolves ay nakaupo sa harapan ko, nakaposas, ngunit may kumpiyansa pa rin sa kanyang itsura. Ramdam ko ang bigat ng sitwasyon, lalo na’t ang bawat rebelasyon mula sa kanya ay tila bumabagsak sa akin na parang mabibigat na bato. "Anong ibig mong sabihin na hindi ito tungkol sa Black Hawk Unit?" tanong ko, pilit pinipigilan ang emosyon sa aking boses. Hindi ako maaaring magpakita ng kahinaan, kahit pa ang mga sinasabi niya ay tila binabaliktad ang lahat ng paniniwala ko. Ngumiti siya, isang ngiti na puno ng panunuya. "Dahil sa totoo lang, Captain Damon, hindi kayo ang tunay na kalaban. Isa lang kayong mga instrumento. Ang totoong mastermind? Ang mismong taong nagtatag ng academy na ito.

