DAMON POINT OF VIEW Minsan, ang pinakapayak na tanong ay siyang pinakamahirap sagutin. Iyon ang nararamdaman ko ngayon habang nakatayo ako sa harap ng buong akademya, ang mga mata ng mga trainees at mga kasamahan ko ay nakatutok sa akin. Sa loob ko, parang may dalawang magkaibang pwersa na humihila sa akin sa magkaibang direksyon. Sa isang banda, may loyalty ako sa mga nakatataas ko, sa mga taong nagsanhi sa pagbuo ng Black Hawk Unit. Pero sa kabilang banda, may isang matinding pakiramdam ng katarungan na hindi ko kayang balewalain. Tumingin ako sa mga trainees na naghihintay sa akin, lahat sila may mga mata ng pagpapahalaga, tiwala, at pati na rin takot. Alam nila na ang misyon na hinahanda namin ay hindi tulad ng anumang operasyon na pinangunahan ko dati. Alam ko na kung magpapatuloy

