NADZ POINT OF VIEW Napansin ko ang kakaibang kilos ni Damon nitong mga nakaraang araw. Mula sa pagiging mahigpit pero maingat niyang kapitan, bigla na lang siyang naging mas malamig at tila laging abala. Kapag nagkakasalubong kami, madalas ay isang mabilis na tango lang ang isinasagot niya. Kung dati ay tila nag-aalala pa siya sa akin, ngayon ay para bang pilit niya akong iniiwasan. Minsan, hindi ko maiwasang mag-isip. May nagawa ba akong mali? Pagdating ko sa mess hall para kumain, nakita ko sina Kyle at Diego na masayang nagkukulitan habang kumakain. Napansin ako ni Kyle, at agad siyang sumigaw. "Doc! Halika na dito! Mag-breakfast ka na kasama namin," tawag niya, na agad naman akong napangiti. Umupo ako sa tabi nila, at naramdaman ko agad ang gaan ng kanilang usapan. Parang laging

