NADZ POINT OF VIEW Nakita ko ang isang trainee na nakaupo sa gilid ng kama, hawak ang balikat niya na tila may iniinda. Mukha siyang nasa edad disi-sais o disisiyete, bata pa pero halatang sanay na sa hirap. Tumango sa akin si Sergeant Kyle, na siyang nagdala sa kanya dito. "Doc, ito 'yung trainee na malapit sa lugar ng pagsabog kahapon," paliwanag ni Kyle. "Mukhang siya ang pinakamatinding tinamaan ng shrapnel pero ayaw magsalita tungkol sa nangyari." Lumapit ako sa trainee. Ang mukha niya ay blanko, parang sinasadyang umiwas ng tingin. "Hi," sabi ko nang mahinahon. "Ako si Doc Nadz. Pwede mo ba akong sabihan kung ano ang nararamdaman mo para matulungan kita nang maayos?" Tahimik lang siya, ni hindi tumingin sa akin. Huminga ako nang malalim at sinubukan ulit. "Walang pilitan, pero

