NADZ POINT OF VIEW Sa mga nakalipas na araw, naging tahimik si Leo, pero ramdam ko ang bigat ng iniisip niya. Ang usual na tahimik niyang kilos ay mas naging halata, at para bang iniiwasan niya akong tignan nang diretso. Hindi ko na napigilan ang sarili ko, kaya pagkatapos ng klase, sinundan ko siya sa likod ng training hall kung saan madalas siyang nag-iisa. "Leo," tawag ko, medyo mahina pero may diin. Tumigil siya sa paglalakad pero hindi siya lumingon. "Ano ‘yun, Nadz?" tanong niya, pero hindi niya ako tinignan. Nanatili lang siya nakatalikod. Huminga ako nang malalim bago sumagot. "Kailangan nating mag-usap. Alam kong may kinalaman ka sa nangyari sa academy." Bigla siyang humarap sa akin, ang mukha niya seryoso, at para bang nasaktan sa sinabi ko. "Wala akong kinalaman sa pag-ata

