NADZ POINT OF VIEW "Captain?" tanong ko, nag-aalala. "May kailangan ka ba?" Hindi siya sumagot agad. Tinitigan niya lang ako ng ilang segundo bago sumandal sa pader, parang napakabigat ng dinadala niya. Hindi ito ang tipikal na Damon na matigas at matatag. "Nadz," sabi niya, halos bulong. "Pwede ba tayong mag-usap?" Tumango ako at inilapag ang hawak kong gauze. Umupo ako sa isang stool at itinuro ang isa pang upuan sa tapat ko. "Umupo ka muna. Anong nangyari?" Nag-atubili siyang lumapit, pero sa huli ay umupo rin. Hindi siya tumingin diretso sa akin, bagkus ay naglaro ang mga daliri niya sa ibabaw ng mesa. "Alam mo," simula niya, malamig ang boses. "Hindi ko na alam kung tama pa bang nasa posisyon ako ngayon." Napakunot ang noo ko. "Ano'ng ibig mong sabihin? Isa kang mahusay na lid

