NADZ POINT OF VIEW Ang araw ay nagsimula nang mas maaga sa academy, mas mabigat ang pakiramdam ng lahat. Nakatanggap ng bagong impormasyon si Captain Damon at ang kanyang team tungkol sa Shadow Wolves, ang grupong nananabotahe sa academy. Habang naglalakad ako papunta sa conference room para maghatid ng medical supplies, napansin ko ang kakaibang tensyon sa paligid. Lahat ng trainees ay seryosong nag-eensayo, habang ang mga opisyal ay nagkukumpulan at nag-uusap ng seryoso. Pagpasok ko sa conference room, naroon si Damon, Kyle, at Diego. Nakayuko si Damon sa mesa, tinitingnan ang isang mapa habang si Kyle at Diego ay nagtatalo tungkol sa isang posibleng plano. "Hindi puwedeng ganito lang! Kung may bagong impormasyon tayo tungkol sa Shadow Wolves, dapat mas aggressive ang aksyon natin!"

