PARANG pinipiga ang puso ni Jackie habang naririnig ang mga iyak ni Jileen habang nasa emergency room. Ilang oras na itong nilalagnat at may kataasan iyon. Hindi rin iyon bumababa kahit na ba naka-ilang punas at pinaiinom naman niya ito ng tamang gamot. Sinasabayan rin tuloy niya ang mga iyak nito sa takot. "Ma'am, okay lang po ang anak niyo. Nandito na po siya sa ospital. Gagaling po siya," wika ng attending Doctor. Kasalukuyang kinukuhanan ng dugo ng nurse si Jileen kaya naman umiiyak at natatakot rin ito. Tumango si Jackie. Alam naman niya iyon. Pero natatakot lang kasi siya para sa anak. Ito ang unang beses na nagkasakit ito nang ganoon. "Misis, ang mabuti po ay doon muna kayo sa labas. Mas lalo lang po kasi kayong natatakot rito," wika ulit ng Doctor. Alinlangan man ay pumayag na

