DALAWANG araw na nanatili si Jileen sa ospital dahil sa viral infection. It should not be a good memory but it was different for Jackie's perception. Sa dalawang araw kasi na nasa ospital ay naging buo silang pamilya. Halos hindi umalis si Albert ng ospital. Nakikipaglaro at naging malapit na ulit ito sa anak. Sa tingin niya, ang dahilan kaya bumilis ang paggaling ng anak ay dahil sa ama. Masayang-masaya na ulit si Jileen. Halatang na-miss nito ang ama. Isang beses lang umuwi si Albert. Kailangang kasing tignan ang bahay, pakainin si Simba at kumuha ng mga gamit nila. Pagkatapos noon ay sabay-sabay na silang tatlo na umuwi. Nakatulog si Jileen sa sasakyan pauwi. Siya na ang nagbuhat sa anak palabas ng kotse. Samantalang si Albert naman ang naglabas ng mga gamit mula roon. Inihiga ni Jack

