27 Wala sa sarili akong humikab nang makita ang oras sa wall clock na aking katapat. Bakit gabi na agad? Inilipat ko naman ang aking tingin sa ngayon ay nakahiga pa rin na si Dwayne. Mula kaninang umaga ay nakahiga na siya at pinabangon ko na lamang para kumain ng tanghalian. Katulad noong pinakain ko siya ng lugaw ay sinubuan ko rin siya kaninang tanghali dahil hindi pa rin maganda ang pakiramdam niya. I sighed while looking at him. Buti na lamang at nalaman kong may sakit siya dahil kung hindi ay baka hindi ko na talaga malalaman ang tungkol doon. That's something that I've learned about Dwayne's personality today. Mas gusto niyang sinasarili ang problema basta alam niyang kaya niya— kaso hindi niya kinaya kanina kaya aksidenteng nalaman ko. Napalabi naman ako. Magkaiba pala kami.

