26 Ilang beses akong napakurap habang yakap ako ni Dwayne. Mabigat ang paghinga niya sa balikat ko kaya't ramdam na ramdam ko ang bawat labas ng hangin sa bibig niya. My brows furrowed out of confusion. Bakit parang. . . mainit? No. It wasn't like an erotic thing or the weather. Parang mainit talaga. Mas lalong kumunot ang aking noo nang humiwalay ako kay Dwayne. My eyes widened when he almost lost his balance. Agad ko naman siyang naalalayan kaya't hindi siya natumba. "H-Hey, are you sick?" tanong ko habang hinipo ang kaniyang noo. Nanlaki naman ang aking mga mata nang maramdamang mainit nga siya. Si Dwayne ang mainit! "H-Hindi," pagtanggi niya bago lumunok at hinawakan ang aking braso para kumuha roon ng suporta. "Anong hindi samantalang inaapoy ka na sa lagnat? Kaya mo bang m

