55 NELLIE ONGPAUCO POINT OF VIEW. "Bienvenue en France, Monsieur et Madame." Malakas akong bumuntong hininga at naglakad papasok sa loob ng hotel. Nakasunod naman sa akin si Isaac habang hila-hila ang aking maleta. "Sa inyo ba talaga ang condo niyo ito, Nellie girl? Pang-mayaman," tanong niya nang makapasok kami sa elevator. Walang gana naman akong tumango bilang sagot. I pressed my heel on the ground while waiting for the elevator to open again. Wala sa sarili naman akong napahikab at kumapit kay Isaac para kumuha ng suporta. "Inaantok ka na naman? Kakagising mo lang, e," saad ni Isaac at inalalayan akong tumayo. "Nasanay lang yata. Ganito rin ako noong buntis pa ako, e. Mukhang naga-adjust pa rin ang katawan ko," tanging saad ko at umayos na ng tayo. Binitiwan na naman niy

