54

2560 Words

54 DWAYNE FONTANILLA POINT OF VIEW. "Dwayne, ano ba? Tumigil ka na sa pag-inom ng alak. Ako na ang naaawa sa atay mo." Muli akong uminom ng alak mula sa bote bago tumingin sa gawi ni Kuya Declan. Hawak nito ang shot glass na iniinuman ko para pigilan ako sa pag-inom pero sa mismong bote ako uminom. "It's funny, isn't it?" mapait na tanong ko at muling uminom. "Dwayne, tumigil ka na nga sabi," seryosong utos niya at inagaw sa kamay ko ang bote ng alak. "Parang noon lang, ako ang pumipigil sa 'yo na uminom ng alak. Hindi ko maintindihan noon kung bakit ka naglalasing dahil lamang sa isang babae. Sabi ko noon, babae lang 'yan, e. Bakit mo iniiyakan? Tapos ngayon. . ." Parang tanga akong tumawa kahit na patuloy sa pagtulo ang luha sa aking mga mata. Hindi na naman ako inabutan ng tissue

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD