29 "Kuya, paki-isod po ng table na 'yon sa may kanan, hindi siya kapantay ng ibang table sa hilera na iyon," utos ko sa isa naming kasama sa bahay. "Sige po, Ma'am," saad niya at tumakbo na sa itinuro ko. Muli ko namang iniikot ang aking paningin sa malawak naming hardin kung nasaan nakaayos na ang lamesa para sa mga inimbita ko sa birthday ni Lolo. "Betty, iyong caldereta ba'y ayos na? Baka mamaya ay hindi pa luto 'yan, ha. Tayo ang lagot kay Don Protacio kapag hindi agad nakakain ang mga bisita niya," dinig kong tanong ni Mamang Ichi. "Aba'y saglit laang naman, Ichi. Hindi tayo nasa pabrika at sunod-sunod ang trabaho. Ikaw nga ay kumalma," sagot naman ni Aling Betty kay Mamang Ichi. "Hay nako, Betty! Kapag tayo napagalitan ni Don Protacio, kasalanan mo talaga. Bakit ba napakabagal

