30 Umalis naman sa tabi ko si Dwayne at sumilip sa bintana ng kuwarto namin. "May mga bisita na sa labas, tara na?" he asked. Tumango naman ako at tumayo na. Agad siyang lumapit sa akin at ini-offer ang kaniyang braso. Napailing naman ako at mahinang tumawa bago ko ipinulupot ang aking kanang braso sa kaniyang kaliwang braso. Sabay kaming bumaba sa first floor at lumabas ng mansion. Bumungad naman sa amin ang mga ngayon ay naka-upo na na mga bisita na nagtatrabaho sa hacienda. Agad naman silang nagtayuan nang makita kami ni Dwayne. Lumapit kami ni Dwayne sa pinakakilala ko sa lahat sa kanila. "Buti naman at nakarating kayo, Aling Myrna," bungad ko nang makalapit kami. "Naku, Ma'am Nellie. Hindi naman namin maaring palampasin ang birthday ni Don Protacio, ano. Kung hindi dahil sa ka

