Kendra Pov... Nagpumilit siyang ihatid ako kinaumagahan kaya wala akong nagawa pero nagbigay ako ng kondisyon sa kanya na ihahatid niya lang ako sa harapan ng hotel. Ayaw kong ma intriga kami kapag nakita kami ni Sharon. Akala ko makakatakas ako sa mata ni Sharon pero nahuli niya ako agad. Alam ko na ang susunod niyang gagawin at napagtagumpayan niya. Bago nga lang ako malitson sa mga katanungan niya tumunog ang doorbell ng aming kwarto. Kinakabahan ako kung sino ang nasa labas ng pintuan. Nung lumingon siyang nakataas ang kanyang kilay alam ko na kung anu ang ibig sabihin niya. "Enrico!" Hindi makapaniwala kong sambit. Alam kong titig na titig si Sharon sa akin. "You can't just dump me like that sweetheart!" Kanyang sagot napanganga akong hindi makapaniwala sa kanyang sinambit. Naka

