Sharon Pov... Hindi naman ako bulag at tanga para hindi ko makita kung anu talaga ang namamagitan kina Kendra at Enrico. No ill feelings kung magakakagustuhan sila. Hindi ka naman kasi kikiligin at mamumula kung hindi mo gusto kaharap mo eh! Sigurado akong ang hakahaka kung ito ay magkatotoo. Patuloy naman ako sa pag obserba sakanilang dalawa na hindi naman dapat. Andito kami dahil sa kompanya hindi para makipaglandian. Mukhang nakalimutan na rin ni Kendra ang kinatatakutan niya. Simula unang araw na nagkrus ang kanilang landas ay para kaming nanonood ng isang shooting ng isang pelikula. Walang oras na nagkita silang natulala at hindi makapagsalita. Sinusubukan ni Kendra na iwasan siya pero sadyang may lahing makulit yata si Enrico para ilagay lagi si Kendra sa alanganin. Kasabay nun a

