CHAPTER 3

1600 Words
Bagong kakilala BEATRICE MAG-AALAS OSTO NA ng umaga pero tulala pa rin si Beatrice sa kanyang higaan. Nakahawak siya sa labi niya habang nag-iisip. Hindi niya alam kung nanaginip ba siya o totoong may humalik sa kanya kagabi. Pero never naman siyang nagpantasya sa kanyang pagtulog. Ni minsan ay hindi pumasok sa isip niya ang ganoong bagay. Ginulo niya ang buhok dahil sumasakit ang ulo niya sa kaiisip. Minabuti na lamang niyang bumangon at mag-ayos ng sarili bago bumaba sa kusina upang mag-almusal. Nakita niya ang mga magulang niya na masayang nag-aalmusal. Napansin siya ng mga ito at ngumiti sa kanya. "Good morning, Darling," bati ng ina niya. Bumeso siya rito pati na rin sa kanyang ama. "Good morning, Mom and Dad," bati niya at naupo sa kabilang side. Ang ama niya ang sa gitna ng lamesa habang katapat niya ang kanyang ina. "You look tired, Darling. Napuyat ka ba?" pag-uusisa ng ina. Sabi na nga ba at mapapansin pa rin nito ang eyebags niya. "No, Mom. Excited lang po akong makalabas kaya hindi ako masyadong nakatulog," nakangiti niyang tugon at kumuha ng toasted bread at hotdog. Habang nagpapalaman siya ng tinapay ay nagsalin naman ng fresh milk ang kasambahay nila. Napansin niyang tila natahimik ang mga magulang niya kaya tiningnan niya ang mga ito na kasalukuyang nakatingin sa isa't isa. "Bakit po? May sasabihin po ba kayo sa akin?" tanong niya sa mga ito at kumagat na sa ginawa niyang bread na pinalamanan ng mayonnaise, ham, at kaunting fresh vegetables. "Ah, Darling, naisip kasi namin ng daddy mo na ikuha ka ng bodyguard," panimula ng kanyang ina. Natigil siya sa pagkain para sagutin ito. "Pero, Mom, ayoko po ng bodyguard. Kaya ko po ang sarili ko, kaya huwag na po kayong mag-alala," paniniguro niya sa mga ito. Ayaw niya ng bodyguard. Parang hindi na rin siya nakalaya noon. "Pero, anak, ayaw naming mapahamak ka. Baka idamay ka ng mga taong gusto tayong pabagsakin. Please? Pagbigyan mo naman kami kahit dito lang," nagmamakaawang sabi ng mommy niya. Hindi naman niya kayang tanggihan ang kanyang ina, lalong ayaw niyang nag-aalala ito. Napatango na lang siya na kinangiti ng mga ito. "Sige po, para hindi na kayo mag-alala. Pero kapag nasa safe place po ako katulad ng papasukan ko pong university, sana ay hindi na po sumunod ang mga bodyguard. Nakakahiya po kasi," maliit na kahilingan niya sa mga ito. "Sure, Darling," pagpayag ng mga ito. Ngumiti siya at pinagpatuloy na ang pagkain. Excited na siyang makalabas. LULAN NA SILA ng kotse habang lumalabas sa kanilang lupain. Nananabik siyang makita ang labas. "Kitang-kita ang excitement sa mukha mo, Darling," siguradong sabi ng kanyang ama na nasa front seat katabi ng driver nila. Nasa side niya ang mommy niya na elegante sa suot nitong floral dress. "Yes, Dad. I'm super duper excited!" maligalig niyang tugon na kinahalakhak ng mga ito, maging ang kanilang driver. Kulang na lang kasi ay tumili siya. "Ah, Sir, Ma'am, saan po ba muna tayo unang pupunta?" tanong ng kanilang driver. "Sa papasukang university muna ni Beatrice. Pagkatapos ay pumunta tayo sa mall. Bibili tayo ng bagong damit at ilang kakailanganin niya," sabi ng daddy niya na tinutulan naman niya agad. "Dad, huwag na po, marami pa naman po akong damit at ibang gamit. Mamasyal na lang po tayo. Gusto ko po kayong maka-bonding sa una kong paglabas." "O sige, kung iyan ang gusto mo, Darling," sabi naman ng mommy niya. Tumingin siya sa kanilang dinaraanan. Maraming puno sa paligid at may nakita din siyang mga bahay sa ibaba. Isang mataas na lupain pala ang kinatitirikan ng kanilang bahay. Iniisip niyang ang mga gusali sa ibaba ay ang pinakabayan sa kanilang lugar. "Mom, Dad, bakit po ang bahay lang natin ang nasa itaas? Wala po pala tayong kapitbahay?" nahihiwagaan niyang tanong. "Kasi, Darling, ang buong lupain na nakikita mo ay sa atin, maliban sa bayan. Gusto rin kasi namin ng tahimik na paligid at para malayo rin tayo sa mga masasamang tao na magtatangka sa ating buhay," paliwanag ng kanyang ina. Tumango siya rito bilang pag-intindi. Kaya pala ni minsan ay wala siyang narinig na mga dumaraan. PINASOK NA NG driver ang kanilang sasakyan sa isang malaking university. Namamangha siya sa mga estudyante at sa lawak ng eskwelahan. May nakita siyang magkakabarkada na nagkakatuwaan at tila may masayang pinag-uusapan. Meron ding mga naglalaro ng football sa isang oval. May napatitingin naman sa kanilang sasakyan, tila mga nag-uusisa kung sino sila. "Dito ka na papasok, Darling. Nagugustuhan mo ba ang nakikita mo?" tanong ng mommy niya. Humarap siya rito at ngumiti. "Talaga, Mommy? Whaaa! Gustong-gusto ko po rito!" tuwang-tuwa niyang tugon. "Mabuti naman." Pinahinto ng daddy niya ang sasakyan sa harap ng main entrance ng university. Pagkahinto ay naunang bumaba ang kanyang daddy upang pagbuksan sila ng pinto. Pagkababa niya ay para siyang batang tumitingin sa paligid at namamangha. "Let's go," aya sa kanila ng daddy niya. Tumango sila ng mommy niya at sumunod sa paglalakad. Napatitingin ang mga estudyante sa kanila kaya nahihiya siyang nagbaba ng tingin at kumapit sa braso ng kanyang ina. Tila nahulaan naman ng ginang ang kanyang nararamdaman. Tinapik nito ang kamay niya kaya napatingin siya rito. Ngumiti ito na tila pinapanatag ang loob niya. "Magandang araw po, Mr. and Mrs. Ford. Masaya po kami at bumisita kayo sa aming paaralan," pambungad na bati ng isang ginang. Sa tingin niya ay nasa late 40s na ito. Mukha itong strict base sa tabas ng mukha, pero mahinahon naman ang boses. Well, hindi naman niya ito hinuhusgahan agad, sinasabi lang niya ang kanyang nakikita. "We came here to make sure the safety of my daughter on your university. At gusto kong makasigurong walang lalapit sa kanya at mananakit," wika ng daddy niya sa ginang na nasa harap nila. "Don't worry, Mr. Ford. Sisiguraduhin kong magiging maayos ang pagpasok ng inyong anak dito sa aming paaralan. Halika po, ipapakita namin ang facilities at ibang pwedeng pagkaabalahan ng inyong anak habang naririto siya," pag-aaya nito sa kanila. Sumunod sila rito at talagang inikot nila ang buong unibersidad. Napag-alaman din niyang ang ginang na ito ang admin ng university. Hindi naman siya nabagot sa kanilang paglilibot. Actually, masaya siya dahil hindi siya mahihirapan kung sakali. Nasa office na sila nito nang makaramdam siya ng pag-ihi. Kaya binulungan niya ang ina. "Mom, rest room lang po ako," paalam niya rito. Tumango ito at tinawag ang pansin ng daddy niya at may sinabi bago ito tumayo na kinataka niya. "Halika na, Darling, sasamahan kita," sabi ng mommy niya na pinigil niya agad. "No, Mom, ako na lang po. Kaya ko na pong mag-isa." Dahil nga nilibot na nila ang buong unibersidad ay hindi na siya naligaw sa paghahanap ng CR. Habang umiihi ay may narinig siyang boses ng mga babae at sa tingin niya ay pumasok ang mga ito sa CR. "Ang gwapo talaga ni Diego. Gosh! Tumingin siya sa gawi ko kanina," kinikilig na sabi ng isang babae, matinis at may kaartehan ang boses nito. "Shunga! Hindi ikaw ang tinitingnan niya. 'Yong mga dumating na V.I.P," sabi naman ng isang babae sa masungit na tono. Tapos na siya sa pag-ihi, pero hindi siya makalabas dahil nahihiya siya sa mga ito. "Grabe, sobrang yaman siguro ng mga 'yon, 'no? Mukhang may special treatment dahil talagang sinalubong pa ng principal natin." Tumingin siya sa relo niya at five minutes na siyang nasa loob. Tiyak na hinahanap na siya ng mga magulang niya. "Hay, tama na nga 'yan. Male-late na tayo sa class ni Mrs. Digna." Napabuga siya ng hangin nang marinig niya ang paglabas ng mga ito. Lumabas na siya ng comfort room at naglakad pabalik sa office ng principal. May nasalubong siyang mukhang mga football player base sa uniform ng mga ito. Hindi niya sana papansinin pa ang mga ito ngunit nabigla siya nang may humarang na matangkad na lalaki pero mas matangkad pa rin ang mga kuya niya. "Bakit?" nagtataka niyang tanong dito. Napakamot pa ito ng batok na tila nahihiya. "A-ah, pwede ka bang magpakilala? I'm Diego Gonzales by the way. You are?" pakilala nito habang nakalahad ang kamay. Mukha naman itong mabait sa way ng pananalita nito. Gwapo rin. Ngayon lamang may lumapit at nagpakilalang lalaki sa kanya. Bukod sa kanyang mga kuya, daddy, at mga bisita niya noong birthday niya ay ito pa lang ang lumapit sa kanya. Tinanggap naman niya ang kamay nito na lalong kinangiti nito. "I'm Beatrice," nahihiya niyang pakilala. "What a beautiful name and beautiful lady," pagpupuri nito. Namula naman siya at alanganing ngumiti. "Thanks." "Darling, narito ka lang pala. We have to go," tawag ng mommy niya na nasa tapat ng office kasama ang daddy niya. Tumango siya at tumingin kay Diego. "Sige, mauuna na ako. Nice meeting you," paalam niya sa binata. "Nice meeting you, too," nakangiti nitong tugon. Tumango siya at lumapit sa mga magulang niya na may mapanuksong ngiti. "Darling, may pumoporma na agad sa 'yo, ha? Ayieee!" kinikilig na tukso ng mommy niya pagkalapit niya. "Mom!" namumula niyang suway rito. Humalakhak lang ang mga ito. Umiling na lang siya at sabay-sabay na silang naglakad pabalik sa sasakyan nila. DIEGO NAKATANAW SI DIEGO sa dalagang nakilala niya. Kasama na nito ang sa tingin niya ay mga magulang nito. Hindi niya alam pero nabighani siya agad sa babae. Ni minsan ay wala pang babae na pumupukaw ng kanyang mga mata at ito pa lang ang una. Noong bumaba ito sa sasakyan ay bumilis bigla ang t***k ng puso niya. Para itong isang angel na bumaba sa langit. "Hey, Bro, tinamaan ka kay Miss Ganda, 'no?" pukaw sa kanya ng teammate niya na si Raphael at isa sa mga matatalik niyang kaibigan. Lumingon siya rito habang abot-tainga ang ngiti. "Sabihin na nating tinamaan ni Kupido. Kaya kapag nakita ko siya uli, hindi ko na siya tatantanan pa. And from now on . . . she's mine. Only mine," paniniguro niya na kinangisi ng mga katropa niya. Copyrights 2016 © MinieMendz Book Version 2019
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD