Unexpected
DIMITRI
NASA ISANG MISYON sa Singapore si Dimitri. May kailangan muna siyang gawin bago pagtuunan ng buong atensyon si Beatrice. Isang araw pa lang ang nilalagi niya sa Singapore ay nami-miss na niya agad ang dalaga.
"Hi, handsome," bati ng isang waitress sa pinasukan niyang bar. Ngumisi lang siya at nilibot ang tingin sa buong bar. Kailangan niyang mahanap ang target. At lalo siyang napangisi nang makita ito na nakaupo sa couch nang mag-isa.
"After this, it will be your turn, little sister." Isang ngisi ang pumorma sa labi niya nang maisip iyon. Lumapit siya sa bar counter na nasa harap nito at tiniyak na makikita siya agad ng target. Um-order siya ng whiskey at tumingin sa gawi nito. Pansinin ang suot nito na halos makitaan na sa sobrang ikli.
"Pathetic b***h," ani niya sa isip. Mabuti at hindi ganyan magsuot si Beatrice. Dahil tiyak na sasabog siya sa sobrang galit sa oras na magsuot ito ng ganoon. Her body is for his eyes only. No one dares to see or touch his property.
Tinungga niya ang whiskey habang minamatyagan ang babae ni Senador Pasqual, ang kaalitan ni Mr. Lee sa isang negosyo.
Tumayo siya at sinundan ang babae na patungo sa dance floor. Maharot itong sumayaw kaya napangisi siya. Lumapit siya rito at inumpisahan ang kanyang misyon.
"Let's have fun, Miss Beautiful." Gusto na niyang patayin ito, pero may usapan sila ni Mr. Lee.
Ngumiti ito nang nakakaakit. Sumama agad ito habang todo pulupot sa kanyang braso.
"Where's your car?" malandi nitong tanong.
"I don't have. How about yours?" Nagsinungaling siya. Ang totoo ay nasa malapit lang ang sasakyan niya sa bar. At alam niya na merong kotse ang babaeng ito.
"Sure. Let's go to the parking lot," aya nito. Hila-hila siya nito hanggang sa makarating sila sa parking lot at sa kotse nito. O mas tamang sabihing bigay ng senador sa babaeng ito.
Pagdating sa sasakyan nito ay bubuksan na sana nito ang sasakyan nang paluin niya ito sa batok. Ngumisi siya at sinakay ito sa kotse nito bago pinaharurot ang sasakyan patungo sa basement, kung saan nandoon ngayon si Mr. Lee at ang senador para sa isang meeting.
Pagdating niya ay sumalubong agad si Oscar, pati ang iba nitong kasamahan na tauhan niya. Bumaba siya at sinenyasan si Oscar na agaran namang lumapit.
"Kunin n'yo ang babae at ibaba," utos niya at nilabas ang telepono upang tawagan si Mr. Lee. Agad naman itong sumagot.
"Deal is a deal, Mr. Lee," walang paligoy-ligoy niyang sabi sa matanda.
Of course! The island is yours. Iwan n'yo na lang ang babae d'yan at ipapakuha ko sa mga alagad ko.
"Good," maikli niyang sabi at binaba na ang tawag. Bumaling siya kina Oscar na katatapos lang ibaba ang babae.
"Iwan n'yo na 'yan d'yan at ihanda n'yo na ang private plane. Kailangan ko nang makauwi as soon as possible," utos uli niya saka tinalikuran na ang mga ito at sumakay sa kotse niya na nakaabang na.
"Saan tayo, Boss?" Si Wallex, one of his assistants and his driver. Naalala niyang kailangan muna niyang makabili ng pasalubong kay Beatrice. At dahil sa naisip ay sumilay ang kilabot na ngiti sa kanyang labi. He definitely likes the idea pop in his head.
"Sa lady's shopping mall, Wallex." He's smiling like an idiot while looking outside of the car window.
Huminto si Wallex na hudyat na nandoon na agad sila. Bumaba siya at nilibot ang tingin. Hindi sumagi sa isipan niyang mapupunta siya sa isang pambabaeng shop. Pero para kay Beatrice ay gagawin niya.
Pagpasok niya ay agaw atensyon agad siya. Hindi na lang niya pinansin ang mga taong tumitingin. Nilibot niya ang mata sa bawat seksyon ng mga damit sa isang botique.
"What do you need, Sir?" wika ng isang nagpapa-cute na saleslady. Pero hindi man lang niya ito dinapuan ng tingin. Busy siya sa paghahanap. Hindi niya akalaing ganoon pala kahirap hanapin iyon. Tsk! Ayaw niyang magtanong, pero ayaw niya ring magtagal, kaya hinarap niya ang saleslady na kanina pa siya sinusundan.
"Give me a pair of nighties and a Victoria secret bikini," tiim-bagang niyang utos. Lalo siyang napakunot-noo ng tumawa ito.
"Oh my gosh, Sir, are you gay?" Dumilim ang anyo niya nang lalo itong tumawa. Pinagtitinginan na sila ng mga tao sa loob ng botique. Sinipa niya ang isang estante ng damit na kinabagsak nito. Napahinto sa pagtawa ang saleslady at tila natakot.
"Don't laugh at me, b***h! Do your job before I pull out my gun," banta niya rito at umakmang kukunin ang baril. Agarang kumilos ang babae at kinuha ang mga kailangan niya.
"H-here, Sir. T-thank you," natatakot nitong saad. Kinuha niya pahaklit sa kamay nito ang paper bag at hinagis ang pera niya na sobra sa bayad.
Tinalikuran niya ito habang umiiyak sa takot. Tsk! Such a weakling.
Pagpasok niya uli sa kotse ay nagpahatid muna siya sa tinutuluyang hotel. Tinawagan niya ang isang bodyguard sa mansyon na inutusan niyang bantayan si Beatrice habang wala siya.
Hello, Sir?
"Any update?" Inalog-alog niya ang baso ng wine na iniinom niya habang nakaupo sa recliner na nakaharap sa malaking glass wall, kung saan kita ang mga ilaw sa siyudad ng Singapore.
Ah, Sir, pinasok po nila si Miss Beatrice sa isang university sa bayan.
Humigpit ang hawak niya sa glass wine at nag-alab sa galit ang mukha niya. Napatayo siya, dahilan kung bakit nahulog ang basong hawak niya.
"WHAT? Damn! Are you telling the truth?!" bulyaw niya rito. Baka namali lang siya ng dinig.
Y-yes, Sir. Nagsasabi po ako ng totoo. Sa katunayan po ay ngayon ang unang araw niya sa pagpasok.
Kumuyom ang kamao niya at hinagis ang cellphone sa pader, dahilan kung bakit nagkawarak-warak ito. Nagtatagis ang ngipin niya sa galit, lalo sa ama niya. Sinasabi na nga ba at hindi ito tutupad.
Nagtungo siya sa closet niya at agad na nagbihis. Tinawagan niya si Oscar upang ikumpirma kung handa na ang private plane.
Talagang ginagalit siya ng ama niya. Kaya sisiguraduhin niyang hindi ito mananalo. Ilalayo niya si Beatrice, magkamatayan man.
BEATRICE
HINDI MAINTINDIHAN NI Beatrice ang kasiyahang nararamdaman sa una niyang pagpasok sa eskwelahan. Hindi niya ma-imagine na magiging ganito kasaya ang pumasok sa isang university. Noong una ay kinakabahan pa siya, pero nang makilala niya ang Sossy Girls ay nawala ang kaba at hiya niya. Ito ang mga unang lumapit sa kanya pagpasok pa lang niya.
"So, Bea, bakit nga ba home schooled ka lang sa buong elementary and high school days mo? Hindi ba napaka-boring noon?" tanong ni Maricris, habang nakangiti-o nakangisi? Hindi niya inisip pa iyon dahil alam niyang mababait ang mga ito. Naikwento niya kasi sa mga ito kung bakit hindi siya pumasok ni minsan sa isang eskwelahan. Natutuwa nga siya dahil ngayon lamang siya may nakausap tungkol sa buhay niya.
"Dahil pinoprotektahan ako ng mga magulang ko sa mga masasamang tao. I understand why they do that," she smiled and drank her juice.
Nasa cafeteria sila at inaya siya ng mga ito na ilibre niya. Pumayag siya agad sa kagustuhan ng mga ito dahil akala niya ay sa ganoon nag-uumpisa ang pagkakaibigan.
"Oh, masyado ka palang masunurin, dapat hindi ka sumusunod sa parents mo. Baby girl ka pa pala," mapanlait na sabi ni Cheska sa kanya.
"Hindi ba dapat naman talaga tayong sumunod sa kanila dahil magulang natin sila? And it's not bad at all," naguguluhan niyang pagsalungat sa mga ito. Nakatinginan at inirapan siya ng mga ito bago tumayo.
"You're such a baby. Let's go, girls. Hindi natin kailangan ng bagong recruit na mahina," sabi uli ni Cheska at umalis. Nagsisunuran ang mga barkada nito at iniwan siya. Hindi niya alam pero para siyang maiiyak. Akala pa naman niya ay kaibigan na ang turing ng mga ito sa kanya, pero hindi pa pala. Mahirap din palang makahanap ng kaibigan.
"Why are you crying, Miss Beautiful?"
Napaangat siya ng tingin sa nagsalita. Napakunot-noo siya habang inaalala ang mukha ng lalaking nasa harap niya. Humalakhak ito dahil sa tagal niyang tumitingin dito.
"Hindi mo ba ako naaalala?" nakangiti nitong tanong at naupo sa harap niya. Tumingin siya sa paligid at napansin niyang nakatingin sa kanya o sa kanila ang mga estudyante na nasa canteen.
"Medyo," tugon niya. Natatandaan niya ang mukha nito ngunit hindi ang pangalan. Alam niyang sa letrang D ito nag-uumpisa. Nasa dulo na ng dila niya.
"Oh, okay. I forgive you. Naku, mabuti na lang at gusto kita," sabi nito pero halos bulong na lang ang huli nitong sinabi.
"What? You're saying something?" nakakunot niyang tanong.
"Ang sabi ko, sa gwapo kong ito, hindi mo man lang naaalala ang pangalan ko? Lahat ng girls sa university na ito ay tandang-tanda ang pangalan ko," presko nitong wika. Tumayo siya sa kinauupuan niya dahil naiinis siya sa kahanginan nito, pero agad naman siyang pinigilan nito.
"Wait, magpapakilala na lang ako sa 'yo. I'm Diego Gonzales," nakangiti nitong pakilala na kinairap niya. Lalo itong ngumiti at inakay uli siya sa inupuan niya kanina. "Sorry, gano'n talaga ako. Ang lungkot mo kasi, pinapatawa lang kita."
"Joke ba 'yon? Dapat sinabi mo para natawa ako," mapanuya niyang sabi. Ngumiti ito na tila hindi nao-offend sa sinasabi niya.
"You're so cute, Bea." Namula siya sa sinabi nito, pero hindi niya pinahalatang naapektuhan siya. Tumikhim siya at tumingin dito.
"Huwag mo akong bolahin, dahil hindi ako bumibigay sa mga ganyan," masungit niyang sabi. Humalakhak lang ito at umiling na tila natutuwa sa kanya.
"Ano bang nakakatawa?" naiinis niyang tanong.
"Wala. Ano bang masama? E, sa nagagandahan ako kapag nagsusungit ka."
"Heh! Bahala ka na nga d'yan." Naglakad na siya palabas at naramdaman niya ang pagsunod nito.
"Sige na, hindi na kita aasarin. Sumama ka na lang sa akin," aya nito. Huminto siya at masungit na nilingon ang lalaki.
"At bakit naman ako sasama sa taong kakikilala ko pa lang? Saka, anong akala mo sa akin, easy to get, ha? No way."
Nagmartsa siya uli palayo ngunit makulit talaga ito. Pinigilan siya nito sa braso pero hinawi niya lang iyon.
"Hindi, mali ka ng iniisip. Gusto ko lang ipakita sa 'yo kung saan ka maaaring tumambay. Tutal, wala ka pa naman yatang nagiging kaibigan dito."
Natigil siya sa pagpupumiglas at tuluyan itong hinarap. "Talaga? Saan naman 'yon?" Hindi man niya aminin ngunit na-excite siya sa sinabi nito. Ngumiti ang binata at hinila siya sa kung saan. Hindi na siya tumanggi pa.
"WOW. IT'S COOL!" mangha niyang bulalas.
"Sabi ko sa 'yo, magugustuhan mo rito."
"Dito ba kayo naglalaro?" tanong niya at nilibot ang buong tingin sa football oval area. Ito iyong nadaanan nila habang sakay ng sasakyan nila. Kaso ay hindi niya ito napagmasdan masyado. Pero ngayon, kitang-kita na ng kanyang mga mata. At masasabi niyang maganda at napakalawak nito. May mga bench pa sa gilid kung saan nakapwesto ang mga manonood. Mahangin din ang paligid.
"Yes, halika, ipakikilala kita sa teammates ko," aya nito. Agaran niyang pinigilan ang lalaki dahil hindi siya ready at nahihiya siya.
"A-ano . . . huwag na," nahihiya niyang sabi. Ngumiti lang ito at hinatak siya.
"Don't be shy, hindi naman sila mangangagat," nakakaloko nitong sabi. Huminto ito sa tapat ng players na kasalukuyang nagpapahinga.
"What's up, Bro? Kaya pala nawala ka," nakangising sabi ng isang semi kalbo na tisoy at may kagwapuhan din.
"Ipakikilala ko nga pala sa inyo si Beatrice, bago n'yong kaibigan," pakilala sa kanya ni Diego.
"Tama ba ang narinig namin. N'YO lang? Bakit ikaw, hindi ba?" sabi ng isang blonde ang buhok na may hikaw na itim sa isang tainga. Mapang-asar itong ngumisi kay Diego. Naguguluhan siya sa takbo ng usapan.
"Ulol! Magpakilala na lang kayo," bulyaw nito sa mga kaibigan. Bago siya iniharap sa mga ito.
"Okay, sabi mo, e. Oo nga pala, Beatrice, I'm Raphael, the most handsome player in this team," pakilala noong lalaking may blonde na buhok. Kinuha nito ang kamay niya at hinalikan. Nabigla siya nang agawin ni Diego ang kamay niya sa kaibigan.
"Possessive much," bulong nito, pero umabot sa pandinig niya.
"Gago! Walang sulutan!" bulyaw ni Diego rito. Nagtawanan lang ang mga kasamahan nito habang siya ay hiyang-hiya na sa mga pinag-uusapan ng mga ito.
"Huwag mo silang pansinin, Miss Beautiful. I'm Rico, by the way," pakilala ng pinakamaliit sa lahat ng kaibigan ni Diego. Mukha itong masayahin at mabait.
"Ulol. Frederico ang tunay na pangalan mo, pinaganda mo pa," sabi naman ng isa na tila may lahing Amerikano. "Hi, Beatrice. I'm Ben Mc Klein," magalang at may accent nitong sabi. Tila hasa na rin itong mag-Tagalog, dahil hindi naman ito nahihirapang bigkasin ang Tagalog.
Nagpakilala pa ang iba na hindi na niya matandaan sa dami. Nanood siya ng practice ng mga ito. Mababait at masayahin ang grupo ni Diego. Hindi siya nagkamali ng sinamahan.
"Beatrice, pwede ba kitang ihatid sa inyo?" nagkakamot sa batok na tanong ni Diego habang naglalakad sila palabas ng university. Napatingin siya rito dahil sa sinabi nito.
"Naku, huwag na! May susundo naman sa akin."
"Gano'n ba? Pero pwede ba akong dumalaw kahit minsan sa inyo?" pagpipilit pa rin nito.
"Bakit naman naisipan mong pumunta sa amin?" tanong niya at huminto sa tapat ng gate ng university.
"Gusto ko lang na magpakilala sa parents mo para sa susunod ay maaari ka na nilang ipagkatiwala sa akin, kahit tagahatid lang."
"Ano ka ba, huwag na, nakakahiya. Pwede mo namang makilala ang mga magulang ko, pero hindi mo naman ako kailangang obligahin na ihatid. May usapan kasi kami ni Daddy na sa bodyguard ako magpapahatid," wika niya rito. Tumango naman ito bilang pag-intindi, pagkaraan ay ngumiti.
"Okay, I understand. Basta ipakilala mo ako sa parents mo, ha?" Tumango na lang siya para matapos na.
Tumingin siya sa sundo niya na nakaabang na.
"Sabi mo 'yan, ha?" Ngumiti siya rito at tumango sa pangungulit nito.
"Sige na, nand'yan na ang sundo ko." Saka niya tinuro ang sasakyan nila.
Paalis na sana siya nang tawagin uli siya ni Diego. Lumingon siya at nabigla siya nang halikan siya nito sa pisngi. Namula siya at natulala habang nakahawak sa kanyang pisngi.
"Sorry, hindi ko lang napigilan," nahihiya at hinagod nito ang buhok na tila hindi mapakali.
This is the first time na may gumawa sa kanya ng ganoon at hindi niya alam kung ano ba ang magiging reaksyon. Pero napatigil siya sa malalim na pag-iisip nang biglang bumagsak sa sahig si Diego at namalayan na lang niya na pinagsususuntok ito ng Kuya Dimitri niya.
"Asshole! f**k you! How dare you kiss her?!" sigaw ng Kuya Dimirti niya habang tuloy sa pagsuntok kay Diego.
"K-Kuya?" nauutal niyang ani sa isip habang nakatingin sa madilim na awra ng kapatid na handa nang patayin si Diego.
Natauhan lang siya nang humiyaw sa sakit si Diego. Tinawag niya ang mga bodyguard upang tulungan siyang pahintuin ang Kuya Dimitri niya.
Jusko. Ano na naman ba ang nagawa niya?
Copyrights 2016 © MinieMendz
Book Version 2019