EPILOGUE Ten Years Later ISANG FAMILY PICTURE ang pinipinta ni Beatrice. Nasa isang kwarto siya ng kanilang bahay. Dito kasi nakalagay ang lahat ng gamit na pampinta niya. Matatapos na niya iyon at maaari na niyang ilagay sa living room nila upang i-display. “Huhuhu! Mommy!” Natigil siya sa pagpipinta nang marinig ang iyak ng anak niya. Agad niyang nilapag ang brush at nagpunas sa basahan ng kamay. Lumabas siya ng kwarto at tinungo ang kwarto ni Bettina Serina, ang nag-iisa nilang anak na babae, ang pinakabunso sa pitong anak nila. Three years old pa lang ito. “Bakit umiiyak ang baby girl ko?” paglalambing niyang tanong dito at naupo sa Barbie bed nito. Tumayo ito at yumakap sa leeg niya. Pinunasan niya ang luha nito na tila nanaginip na naman. Napahinga siya na
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


