The End DIMITRI TINATAPIK-TAPIK NIYA ANG daliri sa lamesa habang ang mga empleyado niya at ilang business partner ay naka-focus sa presentation na pinanonood nila. Pero ang totoo ay wala roon ang focus niya kundi sa cellphone niya. Kanina pa kasi niya tine-text ang misis niya. May pinuntahan kasi itong bridal shower ng kaibigan nito noon sa New York. Pag-uwi kasi nila mula sa BF Island ay tumawag iyon kay Beatrice na iniimbitahan nga raw sa bridal shower. Tutol na tutol siya ngunit hindi na siya nakatutol nang magdesisyon na ang misis niya. Hindi raw sya kikibuin kapag hindi siya pumayag. Kinuha niya uli ang phone at nag-type ng message. Nilapag niya uli ang cellphone sa table at tumingin sa presentation. Sakto namang tapos na pala ito.

