Honeymoon DIMITRI NOW I PRONOUNCED you, husband and wife. You may kiss the bride,” sabi ng priest na nagkasal sa kanila. Tumingin siya ngayon sa asawa na niya, si Beatrice. Hindi matawaran ang saya nang matawag itong asawa niya. Para siyang tanga kung makangiti, pero wala siyang pakialam. Walang ibang makapapawi ng ngiti niya habang tinitingnan ang maganda nitong mukha. Suot nito ang pinagawa niya pa sa kilalang sikat na designer ng wedding gown sa Paris na si Venice Santillan. Tinaas niya ang belo nito at pinakatitigan ang mukha nito. “Finally, Mrs. Ford,” he said while looking at her intently. Nagkatitigan sila at hinapit niya ito sa baywang. Binaba niya ang mukha at buong puso niya itong hinalikan. Napuno ng palakpakan at hiyawan ang buong garden kung saan sila ki

