Will you marry me? BEATRICE GOOD MORNING, SIR and Ma’am,” sabay- sabay na bati ng mga nakahilerang empleyado ng hotel na pinuntahan nila. Hindi siya makapaniwalang may hotel, resort, botique, supermarket, at ilang pasyalan sa isla ni Dimitri. Ngumiti siya sa mga empleyadong bumabati sa kanila. Mukha kasing wala balak na batiin man lang ni Dimitri ang mga ito. Napatingin siya sa isang lalaking sa tingin niya ay nasa mid-30s na ang edad. Huminto ito sa harap nila at nagbigay galang na kinailang niya. “Good morning, Sir and Ma’am. I’m the assigned manager of this hotel,” pakilala nito. Tumingin siya sa name plate nito, Leo ang pangalan ng kaharap nila. “The rooms are ready?” seryosong tanong ni Dimitri habang buhat si Duke. “Yes, Sir,” tugon nito. “

