BF Island BEATRICE SUMANDAL SI BEATRICE sa dibdib ni Dimitri habang nakaupo sila sa isang beach chair. Nasa pagitan siya ng hita nito habang nakayakap ito sa kanya mula sa likod. Nasa itaas sila ng yate nito kaya ang lamig ng hangin at madilim na kalangitan ang kanilang nadadama at nakikita. Nakatingala sila sa mga bituing napakapayapang pagmasdan. Hindi matawaran ang kanyang nararamdamang kasiyahan, lalo at kapiling na niya si Dimitri. “Dimitri, paano nga pala kayo nakaalis sa nasusunog na gusaling pinatayo mo?” tanong niya rito. Natigil ito sa paglalaro sa kanyang buhok at ihawi nito iyon patungo sa kanang balikat niya. Pinatong nito ang baba sa kaliwang balikat niya. “May secret exit kasi ako na pinagawa sa gusaling ’yon. Doon kami dumaan ni Wallex bago pa sumabog

