Buhay Siya BEATRICE NANLALATANG BUMANGON SA kama si Beatrice dahil nakaramdam na naman siya ng sign ng morning sickness. Tumakbo siya sa banyo habang sapu-sapo ang bibig. Akala mo ay mapapawi noon ang pagsusuka niya. Matapos mailabas ang halos tubig lamang na suka niya ay pinindot niya ang flush ng toilet at sandaling namahinga. Halos dalawang linggo na nakalipas. Pero hanggang ngayon ay wala pa ring lead kung nasaan na si Dimitri. Halos wala siyang naitulog kaiisip kung nasaan ito, kung nakaligtas ba ito, kung kumakain kaya ito. Ang daming ‘kung’ na lumalabas sa isip niya dahil sa sobrang pag-aalala kay Dimitri. Hindi niya rin malaman kung paano ipaliliwanag iyon kay Duke na walang kaalam-alam sa nangyayari. Nakarinig siya ng malakas na katok sa pintuan ng kwarto ni

