New House BEATRICE EXACTLY TWO IN the afternoon nang makalapag ang sinasakyan nilang eroplano. Bitbit ni Dimitri si Duke na parehong may suot na black shades habang siya ay isang fitted blue sleeve dress at bitbit ang gold pouch niya sa kaliwang kamay. Nagtaka siya kung bakit maraming paparazzi ang patungo sa gawi nila. Agad din silang pinalibutan ng mga bodyguard ni Dimitri upang harangin ang mga papalapit na paparazzi. “Damn!” mariing bulong ni Dimitri at hinawakan siya sa baywang para igiya sa isang likuan ng airport. “Boss, nakaabang na si Wallex doon. Kami nang bahala rito,” sabi ni Oscar na nasa likod nila. At tama nga ito dahil may nakita siyang isang black Mercedes-Benz AMG S65. Bumaba roon ang isa nitong tauhan na si Wallex at hinagis ang susi kay

