Pagkalito BEATRICE HELLO, TIYA OLIVE?” aniya habang kausap ang Tita Olive niya sa kabilang linya. Oh, Aurora. Tinatawagan kita pero nakapatay pala ang phone mo. “Kasi, Tiya, nakauwi na po ako sa Pilipinas,” nag-aalangan niyang sabi at pumikit. What? Bakit hindi mo man lang kami sinabihan? Nag-aalala na si Papa dahil gusto niya kayong makausap ni Duke. Nahimigan niya ang pagtatampo sa boses nito. Napahinga siya nang malalim at dumilat. “Pasensya na, Tiya. Biglaan po kasi ang lahat. Pero promise po, dadalaw po kami ni Duke d’yan bukas.” Narinig niya ang paghinga nito nang malalim. Mabuting dumalaw agad kayo, Aurora. Hindi na kasi maayos ang pakiramdam ni Papa. Kinabahan naman siya sa binalita nito. “Bakit, Tiya? Ano ba ang lagay ni Lolo? Noong nakaraan parang

