Panganib BEATRICE PALAKAD-LAKAD SIYA SA loob ng kwarto nila habang tinatawagan si Xander. Hindi pa ito sumasagot pero buhay ang telepono nito. Kailangan nya ng tulong nito. Hindi na niya maunawaan kung bakit parating umaalis si Dimitri kasama ng tauhan nito. Parang nagmamadali pa ang mga ito kaya kinabahan siya. Tinanong niya ito kung saan ito tutungo ngunit hinalikan lamang siya nito sa labi, pati si Duke. Ang sabi nito sa kanya ay may kailangan lang daw itong tapusing matagal na dapat nitong tinapos. Hindi niya alam kung alin ang tinutukoy nito pero parang may iba pa itong pinahihiwatig. Nag-dial siya uli at halos mabuhayan siya ng loob nang sumagot na si Xander. “Hello, Xander?” “Oh, Bea? Napatawag ka?” “Xander, nasaan ka? Pwede ba tayong magkita?” hindi

