Part 2: The History

1257 Words
Flashbacks... Years ago. Guevarra's Secret Laboratory Incident. Abala si Don Roberto sa paghahanda ng kaniyang panibagong experimento nang biglang pumasok ang kaniyang matalik na kaibigan na si Valdemor, ang ama ni Vianna. Si Valdemor ay nagta-trabaho sa kanilang hacienda, ilang taon na rin simula noong ito ay nanilbihan sa mga Guevarra. Ito ang kaniyang kanang kamay sa lahat ng kaniyang hakbang, tagapakinig at ang pinaka-pinagkakatiwalaang tao. Aside from him, the Don doesn't give anyone access into his lab. Well, Arden is exception. He is his son after all. Labas-pasok lang ito sa laboratory. Arden is still young that time. But, not as careless kid like others. Hindi naman tutol si Valdemor sa kung ano man ang ginagawa ni Don Roberto ngunit, sa araw na iyon ay mayroon silang hindi pagkakaunawaan ng kaniyang kaibigan na humantong sa puntong nag-away na sila sa loob ng pasilidad. Don Roberto was experimenting something, and for how many years of doing experiment with different animals blood, humantong na sa puntong na handa na siyang kumitil ng buhay ng tao. And, it's not just lives of those bad people like criminals But, those innocent ones. Iyon ang naging ugat ng lahat. "Alam mo na maling-mali ang pumatay, Roberto! Tama ka na!" Sigaw pa ni Valdemor sa kaibigan. Galit na galit ito at namumula na iyong mukha sa labis na pagka-disgusto. Mas lalong sumiklab ang apoy ng galit ng kaibigan. Galit na galit namang sumigaw si Don Roberto kay Valdemor, nagalit sa reaksiyon nito. "You are not the boss of me, Valdemor! You're just my mere friend, tauhan lang kita rito kaya marunong kang lumugar!" Napantig ang ang tenga ng kaibigan ng matanda. Nasaktan ito sa kaniyang sinabi at natigilan. Hindi niya inaakala na aabot sila sa puntong iyon. Ang akala ni Valdemor ay tunay na kaibigan ang turing nito sa kaniya, ngunit, tila nagkakamali siya nang akala. After all those years, he was only treated like close to nothing. Nagngitngit pa siya lalo sa galit habang nakakuyom iyong mga kamao nito. Halos nagsilabasan na rin iyong mga ugat niya sa leeg. "Oo, tauhan mo lang ako! Ngunit, hinding-hindi ako papayag na may inosenteng madadamay dahil diyan sa kabaliwan mo! Naging halimaw ka na dahil diyan sa mga experiment mo! Binago ka ng kaalamang natutunan mo! At ano? Bubuhayin mo iyong kapatid ni Arden? Walang patay ang nabubuhay! Tanggapin mo na lang na kinuha na ng diyos iyong anak mo!" Sumabog na sa galit si Don Roberto at dinuro si Valdemor. Nanginginig. "Manahimik ka! Wala kang karapatan upang pagsalitaan ako nang ganiyan! Yes, I want my son bring back to life! And you don't have the right to stop me and interfere! Palibhasa kasi sa iyo ay hindi ka pa nawalan! You have your daughter after all! Kung alam mo lang kung gaano kasakit sa akin, Valdemor!" tumulo na ang luha nito sa kaniyang pisngi. Bakas ang kalungkutan at pangungulila sa anak. "Kung alam mo lang... Kaya, wala kang karapatan na husgahan ako! Papatay ako kung kinakailangan! I will bring Aldren back to life!" "Baliw ka na!" Sa hindi inaasahang pangyayari, ay may nasagi si Valdemor na naging sanhi ng pagsiklab ng apoy. Napatingin na lang ang dalawa sa isa't-isa na tila natauhan sa mga sinabi nila. Lumaki nang lumaki naman ang apoy, handang abuhin ang dalawa. "Kasalanan mo ito!" Sigaw ni Don Roberto habang pilit na isinasalba ang kaniyang ibang mga experimentong natitira. "You ruined my hope! You bastar—" Hindi na natapos nito ang kaniyang sasabihin nang malakas siyang itinulak ng kaibigan habang pinupulot niya ang ibang mga capsule na nagkalat, tumilapon pa siya sa malayo. May tatama sana sa kaniya ngunit, itinulak siya ng kaibigan. Kaya imbes na siya ang mapuruhan, ay si Valdemor ngayon ang nakahandusay sa sahig. Naliligo na ito sa sariling dugo at unti-unting nasusunog ang mukha nito. Nagsisigaw sa sakit at humihingi ng tulong. "V-valdemor..."napasinghap siya. "T-tu-long R-roberto... Pakiusap." "Papa!" Nagulantang lalo ang matanda at naranta sa nangyayari. Hindi niya inaasahan na biglang susulpot ang anak kaya mas lalo siyang binalot ng pangamba. "Papa! We need to save Tito Val! Lumalaki na po ang apoy!" Ngunit, parang bingi si Don Roberto sa sinabi ni Arden. Para sa kaniya, malabo nang maisalba pa niya ang kaibigan sa apoy na unti-unting lumalamon sa laboratoryo niya. At isa pa, sa isip ng doctor ay kasalanan din ni Valdemor kung bakit siya napunta sa ganoong sitwasyon. 'You deserve it, Valdemor. You deserve to die...' Doon na siya nahimasmasan nang makitang nawalan na talaga ng malay ang kaibigan. Tuluyan nang bumitaw ang mga kamay nito. "Si Tito Val, papa! We need to save him!" Sigaw ulit ng anak habang umiiyak ngunit, hindi na nilingon ng matanda ang kaibigan. Kinarga nito si Arden at tumakbo na sila palabas bago pa sila mahilo sa usok ng mga chemical na ngayo'y nasusunog. "Papa . . . si tito—" "Tumahimik ka, Arden!" Tanging pag-iyak na lang ang nagawa ni Arden at hindi na nagsalita pa. Takot na takot na lang siyang nakatingin sa apoy na nasa harapan niya habang itinatakbo siya ng papa niya palayo. He saw in a distance how Valdemor lift his head, asking for the last time a help. But, Arden couldn't save him. Hindi manlang niya ito natulungan dahil na rin sa kaniyang ama. 'Im so sorry po, Tito Val.' Nasabi na lang ni Arden sa isip niya habang walang humpay na umiiyak sa bisig ng papa niya. Nakalabas sila sa pribadong pasilidad na iyon at nakaligtas. Nagkagulo ang lahat at nagulat. Ngunit, tulala na lang si Arden nang binaba na ito ni Don Roberto sa kanilang sala. Hindi na ito nagsasalita at umiiyak na lamang habang nakatitig sa kawalan. Na-trauma sa pangyayaring nasaksihan. "Oh my God, Arden anak! Anong nangyayari?!" hysterical na pagwawala ng asawa ni Don Roberto. Takot na takot ito na nakitang ganoon ang sitwasyon ng anak. She look up and shout on her husband. "Anong nangyari, Roberto! Bakit hindi na nagsasalita si Arden?!" The Don just cried looking at his wife. He feels guilty looking at his son now because Arden looked like very devastated. "N-nasunog ang l-lab. H-hindi nakaligtas si Val." Mahinang sabi niya. Napatakip na lang sa bibig ang ginang at humagulgol ng iyak, hindi makapaniwala. "Oh, God..." Nagkagulo ang mansion ng Guevarra sa araw na iyon. May nagsidatingan na police, bombero at ambulansiya. Maging ang mga reporter ay ganoon din ngunit, hindi ito pinapayagan ng mga police. Mabilis na isinugod sa hospital si Arden kasama ang ina nito. Habang si Don Roberto ay napaiwan para sa mga interview ng mga police. "Ano po ang naging sanhi ng sunog sa inyong laboratoryo? At bakit hindi ito alam ng publiko?" napayuko na lang si Don Roberto. Kinakabahan sa maaring malaman ng publiko patungkol sa laboratoryo niya. He tightly close his fist and breath heavily. "M-my friend Valdemor accidentally spilled something inside the laboratory at iyon ang naging sanhi ng sunog. N-nataranta na ako at hindi alam ang gagawin, pinulot ko na lang iyong mga experiment ko dahil importante sa akin iyon," salaysay pa niya. Mabilis naman itong isinulat ng police at inalalayan muna ang doctor dahil bigla itong nanghina. "...H-hindi ko siya nailigtas, nang may tatama na sana sa akin, siya sumalo no'n. He saved me. He saved my life, police officer..." he slightly shake his head on his fake dismay. Then, he cried. "I couldn't save him, what kind of friend I am. Kasalanan ko." yumuko pa siya, and he cried even more. Acting as if he was really a guilty best friend.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD