"Ikinalulungkot ko po ang nangyari, Don Roberto. Ngunit, ano po ang mga gamot na iyon na inyong pinag-e-eksperimentuhan?" natigilan ang doctor sa tanong nito. Napalunok pa siya bago niya ito sagutin. "T-those were medicine t-to treat cancer patients..." tanging anas niya sa mahinang boses. Hindi na nagtanong pa ang police officer at nakuha pa niyang kumbinsihin sa pekeng kuwento niya, bigla rin kasing may dumating na ibang police at may binulong. Nagpasalamat na lang siya sa kaloob-looban niya dahil nauto niya ito, nauto niya ang mga police na aksidente lang talaga ang nangyari. Kung sabagay nga naman, mabilis lang siyang pinaniwalaan ng mga ito dahil sa kapangyarihan na mayroon siya at ang pamilya niya. Guevarra is one of those rich people in their place and those who will defy them w

