Change of heart

2788 Words
Common, Make me * * * Ihahatid sana ni Arden si Via pauwi. Iyan sana iyong mangyayari pero, biglang na lang nagpass out itong si Arden. Nakatulog na talaga ito matapos gamutin iyong sugat nito sa labi. Halatang marami iyong nainom at malakas iyong tama ng alak. 'Ayan, inom pa. Iinom-inom tas malalasing lang agad.' Ismid ng dalaga. But on the second thought, Via couldn't help but to wonder why he's drinking as if there's no tommorow at nalasing ito nang bongga. The last time she checked, malakas iyong tolerance ng alak no'ng binata. "What an irresponsible idiot." Hindi napigilang sabi niya habang pinasadahan ito nang tingin. 'Tingnan mo nga naman. He's still handsome even though he look like a mess.' Tanging pagbusangot na lang ng mukha iyong nagawa niya habang tinititigan iyong walang malay na binata, nakapameywang pa. Imbes na sana ay bungangaan niya ito ay nanahimik na lang siya. Tulog eh, alangan naman bungangaan niya. Eh, hindi rin naman 'yan sasagot. Konsimisyon lang aabutin niya. Then, Via impatiently sigh. Padabog na sinara niya ang kaniyang bag at nilagay ito sa backseat, hinagis pa nga. 'No choice. Tinulugan ako, leche.' Hindi na lang siya kumibo pa at baka masipa niya ito palabas ng kotse 'pag magbago isip niya. Umikot na lang siya papuntang driver's seat, irita at busangot pa rin iyong mukha. "I'll drive you home — inamo." Mas lalo siyang sumimangot. "He will drive me home raw tapos siya itong ihahatid ko." Pagpaparinig pa niya kahit hindi naman ito sumasagot, bahagya pang sinulyapan sa likuran. Eyeing him with daggers. Kahit na gusto niyang magdabog ay hindi na lang niya ginawa. Magmumukha lang siyang tanga. Kahit pa siguro pumutok iyong ugat niya sa ulo kaka-sermon ay hindi ito magigising. 'Pasalamat ka at mabait ako ngayon.' Aniya sa isip. Kulang na lang ay tarakan niya ito ng karayom. Actually, she was planning to leave him there a while ago but, she can't. Hindi kaya ng konsensya niya lalo na at sinagip siya nito kanina lang. He saved her from that maniac — at saka bumabawi rin siya sa mga nagawa nito sa kaniya. Ang sama naman niya kapag hahayaan niya ito. Baka kinabukasan pagkagising ng binata ay nasa news na 'to at headlines sa balita. Baka mag-trending pa. Scratch that, sila dalawa pala talaga iyong may malaking chance na mag-trending. Both of them are high profile people, plus magkasama pa sila sa iisang lugar at sa bar pa. For sure, pagpi-piyestahan na naman sila ng media kinabukasan. 'Well, hindi na ako magugulat if ever na magkatotoo iyong sinabi ko.' "Tsk, kainis naman oh." Padyak niya pa dahil sa pagkairita. Sumakay na lang siya at ini-start na ang kotse niya. "I miss you." Natigilan na lang siya at napalingon sa likod. Mahina lang iyon pero, rinig na rinig niya. Pinigilan niyang makaramdam nang kakaiba. Mariin siyang pumikit upang kumalma. Lasing ito, at kung ano man ang lalabas sa bibig nito ay siguro siyang wala itong katuturan. "Kalma, self. He's just talking nonese—" "I miss you, Via. Miss na miss na kita." He murmured again, nakapikit pa rin iyong mata. 'Oh please...' Marahas siyang umiling. Shrugging those words he said. "No, Via. Hindi ka pwede na bibigay agad. Tama. Strong independent woman tayo—" "Mahal pa rin kita, Via." "Ay animal. Paghilom na diha bi. Sabaa uy." [Ay animal. Manahimik ka nga. Ang ingay mo.] Agad namang naibato ng dalaga iyong bottle ng mineral water, sakto pang lumanding ito sa pisngi ni Arden. Sinampal pa ng binata iyong mukha niya sa pag-aakalang lamok iyon at nakangiti pa ito na para bang may nakakatawa. 'Baliw' "Mishyoubalikkanajbshsjhm." "Lalalala — damn you, Guevarra!" She said and turned on the stereo. Mabilis na tinapakan ni Via iyong gasolinador at pinaharurot iyong kotse. Narinig pa niyang kumalabog at nahulog iyong nasa likuran pero, hindi na niya inisip iyon. Ang gusto na lang niyang mangyari ay maihatid ito sa condo nito para tapos na. Delikado kasi kapag nagtagal siya at baka alagaan niya ito. Marupok pa naman siya. Then, suddenly she remembered her friend. 'Oh right, I left Dustin in the bar...' Via called him. [Hello?! Via? Saan ka? Bakit hindi ka na bumalik? Are you okay?] Dustin asked, sunod-sunod pa ito at sa tuno pa nito ay para bang natataranta, maingay pa rin iyong background. Halatang nasa club pa rin. Sinagot naman iyon ng dalaga. "Long story. Basta, may ihahatid lang ako. Don't worry about me, I can manage. Ingat na lang kayo ng kasama mo. And please, use protection. Ayaw ko pa magkaroon ng inaanak." Walang prenong saad niya, sa kalsada iyong tingin. Dustin protested. [What?! No way. Via—] She cut him off and end the call, didn't give Dustin a chance to explain. Hindi na ulit narinig ng dalaga iyong pagsasalita ni Arden sa likod ng lasing. Siguro ay natulog na talaga ito nang tuluyan na siyang pinagpasalamat niya. 'Sa kabila ng kasalanan ko' 'Tinanggap mo ako' 'Nakaraay kinalimutan mo' 'Ngayon ako'y sa'yo' 'Sa'yo... Sa'yo... Sayo' 'Oh' 'Niyakap mo mahigpit palapit sa'yo' Nalukot na lang ang mukha ni Via sa kanta na nagmula sa stereo ng kotse. Kamalas-malasan ay mukhang pinag-t-tripan talaga siya ni tadhana, pinapatamaan pa talaga siya. 'Bwesit.' Pilit na lang niyang hindi pinansin iyon at deritso lang ang tingin sa kalsada kahit na naiinis na siya sa lyrics no'ng kanta. "Punyetang kanta 'yan oh," mura niya pa. "Amoy comeback. Hoy! I will never do that! Me? Babalik kay Arden? Duh—" Nakarinig naman ulit siya nang kalabog sa likod, at pagkatingin pa niya ay nakita niya ang binata na umayos ng upo, umiiyak pa ito na siyang ikinagulat ni Via. Nakasandal ang likod nito at basang-basa iyong mukha. "Omg, he's crying?" Hindi makapaniwalang saad ni Via. "V-via, b-bumalik k-ka na sa akin. Please?" Iyak pa nito. Nanlambot na lang siya nang makitang yumugyog na iyong balikat ni Arden, humihikbi na talaga. Agad siyang nagbawi nang tingin. "Kasalanan talaga 'to ng kanta eh," aniya rin ni Via, paiyak na rin habang nakatingin na ulit sa kalsada. She wiped her tears harshly. "Kainis! Bakit ako naiiyak, bwesit! " Nang nasa lobby na sila ng condominium ay halos isumpa na ni Via si Arden. Sa sobrang bigat no'ng binata ay pakiramdam ni Via ay nagbuhat siya ng isang sakong bigas. Mabuti na lang at may tumulong naman sa kaniya — iyong isang hotel staff na lalaki, kung 'di ay baka mabali iyong buto niya sa likod. Dinaig pa nito iyong barbel sa gym sa sobrang bigat. "Thank you!" Aniya roon sa lalaki at tinanguan lang niya. Lukot iyong pagmumukha niya dahil sa bigat ni Guevarra, hinihingal pa siya. Nawala tuloy iyong poise niya. The staff just smiled at her, nakuha pa nitong ngumiti na para bang hindi ito nabigatan sa binata. "You're welcome po, ma'am." Then, the staff smiled wickedly. "Mabuti naman po at okay na kayo ni Doc. Arden, Ma'am Via." nanlaki iyong mata niya sa sinabi nito. 'At kaylan pa kami naging okay?! And why he knew about us?' Via's face went sour. "Uh, no! Hinatid ko lang si Guevarra rito. Lasing kasi at wala akong nakita na pwedeng maghatid sa kaniya." Pag-e-explain pa niya pero ngnisihan lang siya ulit ng staff. Maloko lang itong ngumiti nang makahulugan. "Naku ma'am. Okay lang po talaga, hindi niyo po kailangan na mahiya. Naiintindihan ko po na hindi pa po kayo ready na i-public iyong relationship niyo, shut up lang din po ako, promise—" "WHAT?!" Sigaw ni Via at kumurap-kurap. Hindi makapaniwala sa sinabi nito. 'For goodness sake, we're not on terms! What is he talking about?!' "No! Hindi kami—" Agap ding dinugtungan iyon ng staff. "Sabi ho kasi ni Doc. Arden na medyo okay na kayo. Mabuti naman at okay na kayo," mas lalong nanlaki iyong ilong ni Via. 'What the hell! Hindi kami okay! This idiot!' "Hey! It's not what you think—" "No, ma'am. Okay lang po talaga, it's not a big deal naman," pilit pa nito. "Kaya, I will keep my mouth shut po na lang po. Congrats nga po pala." Hindi na lang nakaimik si Via sa sinabi no'ng lalaki. Magpo-protesta sana siya pero, umalis na rin kasi ito agad at bumalik na sa lobby. Sa isip niya ay gusto na lang niyang sabunutan si Arden nang bongga. Talagang natulala na lang siya dahil hindi niya iyon inaasahan. 'Kingina mo talaga, Guevarra! Pinagsasabi mo sa mga tao rito!' "Alam mo Arden, kung hindi mo lang ako tinulugan kanina at kailangan ni Vander ng tatay ay hinulog na kita sa hagdan. Walangya ka." She said then, drag him. Nang maipasok na niya ito sa loob ng kwarto ay doon pa lang siya nakahinga nang maluwag. Agad na sumalpak siya sa sofa at napapikit dahil sa pagod na kaniyang naramdaman. "Thank God, I can go home now." She said as she lean on the soft matress of the sofa, trying to relax herself. Nang bigla niyang naalala si Dren, tatawagan pa pala niya ito gaya nang sinabi niya. "Right. I need to update Dren—" Isang kulog na nasundan ng malakas na buhos ng ulan iyong nangyari na nagpahinto sa dalaga. Tuluyan na lang niyang naibagsak iyong cellphone at kumurap-kurap. She can't believe that it is raining hard. Parang kanina lang ay sobrang payapa ng langit, mayroon pa nga itong mga bituin tapos ngayon umulan bigla nang malakas. "Bakit ba ang malas ko?" Tanong niya pa sa sarili, pabulong. "Pauwi na ako! Anak ng kalabaw naman!" *BLAG* Dali-dali naman siyang tumakbo pabalik sa kwarto na kinaroroonan ng binata, at nasaksihan niyang nahulog pala ito sa kama dahil sa kalikotan nito matulog. Nakangiwing lumapit siya nang ilang hakbang upang makita ang kalagayan nito. "A-aray . . . aray! Damn, it hurts," aniya ni Arden habang iniinda iyong likod na natamaan ng isang matigas na bagay. Via couldn't help but to roll her eyes. "Ayan, likot mo rin eh ano? Aba, deserve—" "Saan ako nagkulang sa pagmamahal ko?" He talked again that stilled her. "What went wrong, Via? Am I not enough? What did I do to make me hurt like this?" Bumuntonghininga na lang si Via at dahan-dahan na lumapit kay Arden na nasa lapag. Heto na naman, nagsasalita na naman itong tulog. She caress his face and cup it. Even if she wants to answer his question but, he's not in good state. It'll be useless to talk to a drunk person. Marami siyang gusto sabihin, pero she just zip her mouth shut. Mahinang nailing si Arden, may takas pa ng luha iyong mata nito. "Mahal na mahal kita eh, sobra. I-I really love you, s-so p-please bumalik ka n-na. I-I miss you so much. Hindi ko kaya kapag wala ka eh." Saka biglang nagdilat ito na siyang gumulantang kay Via, napa-upo pa siya nang bumangon ito at nagdekwatro sa harapan niya. "A-arden..." she said, shuttering. Shocked. Ang akala niya ay tuluyan na itong nagbalik sa katinuan pero hindi pala, lasing pa rin ito. "V-via?" Arden mumbled in his drunk manner. Pulang-pula pa ang pisngi nito na parang sinampal nang pagkalakas. "Y-yes, it's me." Mahinang aniya at ngumiti siya nang malungkot sa binata. Bigla na lang itong umiyak ulit at ngumawa saka yumakap kay Via nang napakahigpit, para itong bata. "Via, bumalik ka na saakin, please? Promise, magiging mabait na ako, hindi na ako magiging seloso . . . please? I-I c-can't afford to see you happy in his arms. I felt like stab in a million seing you two happy. Via, pretty please? Come back to me." He plead. "I'll do everything for you, bumalik ka lang." Via was lost of words to say. "I-I . . . I can't..." "Bakit hindi? Hindi naman ako galit eh! Sige na, balik ka na sa akin. 'W-wag ikaw kay Dustin, akin ka lang please?" Mas lalong sumakit 'yong ulo niya sa inasta ni Arden. 'Oh, God. Puputok na yata iyong ugat ko sa ulo nito.' She took a deep breath and patted his back, calming him down. "No is a no, okay? Sige na, tayo ka na. Sleep on the bed—" "Ayaw!" Sigaw nito na parang bata saka sumiksik sa leeg ni Via. Mas lalong hindi alam ni Via iyong gagawin niya. Kaunti na lang at mauubos na iyong pasensya niya para sa binata. "Arden naman!" Pero, hindi ito nakinig at pumikit na. Nagpakawala na lang siya nang isang malalim na hininga at hinayaan ito. Even if just now, she will let herself. *** Kinabukasan ay maaga ang dalaga na nagluto ng agahan para sa kanilang dalawa. Kaninang madaling araw ay bandang alas-tres na siya nakatulog dahil hindi talaga siya binitawan ni Arden. Kung makayakap kasi ito ay para bang wala ng bukas, talagang nahirapan siya na ilipat ito sa kama nito dahil sa bigat at kung makalingkis ito'y parang linta. Mukha tuloy siyang panda ngayon dahil sa mata niyang nangingitim dahil kulang sa tulog. Dagdag mo pang gumugulo sa isip niya ang mga sinabi nito. "Hmm..." "What are you doing here, Via?! Sinong nagpa-pasok sa'yo?!" He shouted angrily at Via. Natigagal na lang ang dalaga sa kaniyang ginagawa at napahinto dahil sa biglaang pagsigaw ni Arden, nagulat talaga siya roon. Supposed to be ay naka-alis na sana siya, pero ayon at ipinagluto niya pa ito nang agahan. Kung mahal mo, kahit magkagalit kayo ay ipagluto mo. Ganoon iyon. Humarap naman siya sa binata kahit na medyo kinakabahan. "Uh, I-I will just make you a breakfast then, I will leave na. Hinatid lang kita rito kasi lasing ka kagabi, wala kasing maghahatid sa'yo," she explained, kinda hesitating of what he may react. "Wala ka bang naaalala? Y-you help me at the bar, may muntik ng nambastos sa akin doon then, you saved me. Itong ginagawa ko, pambawi ko lang sana sa nagawa mong kabutihan." Vianna gestured awkwardly, saka ngumiti ng pilit sa binata. But, instead of being happy, Arden scoffed. Nailing pa itong lumapit kay Via at tiningnan ang nilutong nitong sinigang na baboy. Mas lalong umasim iyong ekspresyon ni Arden. "Hindi na ako kumakain niyan. Just bring that food with you or I'll throw it away." Hindi nakaimik si Via sa sinabi nito. She feels like there's a lump on her throat as she smiled in dismay. 'Gusto ko lang naman sanang bumawi. Bakit kailangan pang itapon kapag hindi gusto iyong pagkain...' Ngumiti na lang siya kahit na masakit na iyon sa kaloob-looban niya. "A-ah, e-eh ganoon ba. Sayang naman, pinag-effortan ko kasi iyang lutuin—" Bigla namang tumaas iyong tuno sa pananalita ni Arden. Like she hit something insulting on him. "Eh iyong adobong niluto ko? I also made an effort too on making those. Iyong mga bulaklak? What did you did? Tinapon mo, 'di ba?" Napayuko na lang si Via. 'Looks like Fiona already told him about that. I understand.' Arden scoffed. "Now, you know the feeling." "I'm sorry." She apologize sincerely, still her head is lowering and preventing to make an eye contact with him. Arden's voice remain venomous. "I don't need your apology. Out!" Nag-angat naman agad si Via nang tingin sa binata. Feeling guilty and regretting what she'd done. "P-pero—" "Get out!" Napitlag pa siya sa sigaw nito kaya wala siyang nagawa kung 'di ang tumango. 'I know, it's all my fault.' Tahimik na tinanggal ng dalaga iyong apron at naglakad papuntang sofa upang kunin iyong bag niya. Hindi na lang siya umimik, o hindi kaya'y sinagot pa si Arden. Tinamaan na rin kasi siya nang hiya dahil sa sumbat nito. May katotohanan naman talaga iyong sinabi ni Arden. 'Well, he was right. Anong karapatan kong magreklamo.' Handa na sanang pihitin ni Via iyong doorknob ng condominium unit ni Arden nang bigla rin itong nagsalita. "At saan ka pupunta? Bumalik ka rito," nangunot iyong noo ng dalaga. Nalito sa inasta nito. "Eh, sabi mo aalis na ako. Then, I'll leave—" "No! I changed my mind. Come here, umupo ka rito at kakain tayo." Napanganga na lang si Via. "Ha?" Ano raw? Eh? Ang gulo niya kausap. Arden rolled his eyes and walk towards her, he pull her hand gently at pinaupo siya nito sa upuan doon sa kusina at kumuha ito ng plato. Arden prepared plates at pinagsalok pa niya si Via ng kanin at ulam. "U-uh, I-I c-can manage naman—" "Shut up." Supladong saad ni Arden. Via stopped, then obliged. She awkwardly pull her hand. "U-uh, okay." In her mind, nagpasalamat na lang siya dahil kahit papaano ay makakasama pa niya ang binata, kahit sa maikling oras manlang. *** “Love will teach us a lot of things; to forgive, to understand, to accept, to embrace and to hold.” —dawndistinctmind
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD