Concerned

1807 Words
Chapter 16 Common, Make me * * * NAGDAAN ang isang linggo at hindi na nagkausap sina Via at Arden. After that incident, hindi na sila nagkita pa. Naging busy na rin si Via sa hospital at ganoon na rin si Dustin. Habang sina Fiona at ang alipores nito ay patuloy pa ring gumagawa nang ikasisira ni Via pero, hindi lang nito pinansin ng dalaga. She was focusing on her obligations. She set aside those first. Saka na lang niya ito ko-komprontahin. 'May kalalagyan din 'yan sa akin. Hindi pa talaga nadala.' Ipinagpasalamat na rin ng dalaga na hindi siya nakita ni Arden sa araw na 'yon, dahil kung nagkataon pang nakita siya ay baka katapusan na. Yes, she wants him to know the truth but, not on that day. Hindi pa siya handa para sa posibleng gagawin ni Arden. Katakot-takot kasi na baka kapag sinabi niya lahat-lahat sa binata ay basta na lang nito kukunin ang anak niya. Baka hindi siya nito maintindihan at pag-isipan nang hindi maganda. And what scares her the most is that kapag sasama pa si Vander kay Arden kaysa sa kaniya. Iyon ang hindi niya matatanggap, lalong-lalo na at gustong-gusto pa naman ng bata na makita ang daddy niya. Baka hindi niya kayanin iyon. She knows too that Arden can do such things, he can pull many stunts. Katakot-takot na baka bilogin lang ang inosenteng isip ng anak upang makuha iyong loob nito. That would be a nightmare for Via. Alas-sais na nang gabi habang naglalakad si Via papuntang parking lot upang umuwi na sana ng bahay niya nang biglang naaya siya na gumimik muna. Dustin texted her. She stopped from her track and read the message. [Hey. Out mo na? Gimik muna tayo?] She pulled her hand on her pocket, pinakatitigan niya ito. She bit her inside cheeks. "Should I?" She asked herself. Saglit muna siyang napa-isip, ngunit, kalaunan ay pumayag na lang din. Wala rin kasi sa bahay sina Vander at Ate Sol dahil nadoon kina Julie, doon nagpalipas ng gabi. Baka ma-bored lang siya at hindi maging komportable lalo na at nasanay na siyang kasama iyong anak sa pagtulog. 'Minsan lang naman.' She didn't waste time and went straight to the bar sakay ang kotse niya, pinaharurot niya ito. Good thing it's not traffic at nakarating siya agad nang walang aberya. Pagkarating niya ay agad sumalubong sa kaniya si Dustin sa labas ng entrance. May kasama pa itong babae na sa tingin niya ay fling nito, naka-akbay pa at panay bulong pa ng kaibigan nang kung ano. "Babaero." Giit niya, nailing. Nang makita siya ng dalawa ay agad siya nitong kinawayan at sinalubong noong babae. "Hello, Via! I heard so much about you! Finally, nice to meet you!" Masiglang aniya pa nito. Napatingin na lang siya kay Dustin. While him is giving her a arrogant smirk. She also give him a look. 'Ano na naman kaya ang pinagsasabi nitong damuhong ito?' Saka siya tumingin ulit doon sa babae. 'In fairness, she looks kind naman. Hindi war freak at mukhang edukada.' Giit niya matapos itogn hagudin ng tingin. She also greeted her and extend her hands for a handshake. "Hi, nice to meet you too!" Then, she smiled at her. "Shall we?" Putol agad ni Dustin na ngayon ay naka-akbay na sa kanilang dalawa. "Yeah, sure!" After they formally greeted each other, pumasok na sila sa loob at nagliwaliw. Agad na iginaya ni Dustin ang dalawa sa table. Tumabi pa iyong lalaki sa kasama nito habang siya naman ay mag-isa lang na umupo sa isahang couch. Hindi na nito pinansin pa si Via. 'Wow, ginawa lang pala akong third wheel. Nice.' She said on her mind. Napa-ikot na lang iyong mata niya. 'Ininvite mo lang pala ako para mainggit, bwesit.' Suddenly, her phone beeped inside her pocket. *One message received* [Inday, asan ka ngayon? Nasa bahay ka na ba?] Tanong pa ni Ate Sol sa kaniya. Mabilis naman siyang nagtipa ng reply dito. "Nasa bar po ako, ate. Kasama ko si Dus." Saka niya ito isinent. [Ay ganoon ba, sige mag-ingat ka ha at 'wag ka uminom nang marami. Huwag kang mag-alala dahil maayos naman kami rito, tulog na si Vander. Napagod yata kakalaro nina Kaleah at Samantha.] "Opo, ate." Iyon na lang ang nasabi niya. Akmang ibabalik na sana niya sa bulsa ang kaniyang cellphone nang nag-ring na talaga ito. Akala niya ay tumawag si Sol ngunit hindi pala, it was Dren who called her. 'Oh, I need to answer him.' She cough to get their attention and she excused herself doon sa dalawa. "Guys, I'll just use the restroom." The two just nodded and back to their business. Mukhang malapit na nga itong maghalikan kung hindi lang siya nagpa-alam. 'And wow, Dustin. Hindi manlang ako nilingon. Hayok na hayok.' Sabay sa alon ng tao, pilit siyang nakisiksik upang makalusot at makapunta sa banyo. But, when she was almost there, someone blocked her way. It was a guy. A handsome guy na sa tingin niya ay kaedad niya lang din. "Hi, miss. Wanna drink?" She smiled at him and politely decline. Gusto niya magtaray pero ayaw niya ng gulo. At saka, maayos naman siya nitong kinausap. "No, thanks. Excuse me." Then, she left him. Sakto namang pumasok siya sa restroom ng babaw at tumawag ulit si Dren. Sinagot na niya ito at saka siya pumasok sa isang cubicle. Itinapat niya sa tenga niya iyong phone. "Dren..." She heard a deep breaths like he's holding something. Nangunot ang noo ni Via sa pagtataka. "Uh, Dren?" [Rashid is dead.] Deretsahang saad pa sa kabilang linya na nagpatigil sa kaniya. She gasped upon hearing it, gulat na gulat sa bungad. 'No way! This can't be!' "What?! H-how? Hindi ba at magaling si Rashid? How come — papaanong?" Tarantang tanong niya, napatakip pa sa bibig. His sudden news is really shocking. Bumuntonghininga na lang ang kausap sa kabilang linya hahang siya ay hindi pa rin nai-proseso sa utak niya iyong nalaman. [There's a spy. Someone sabotage my our plan. I'm so sorry, Via. This is all my fault, sana naging maingat ako.] Paghihingi pa ng tawad nito. Natahimik na lang ang dalaga. She was sure that it was him — not Dren but, she knows who is him. Dati pa lang ay pakiramdam na niyang hindi palagay iyong loob niya roon sa lalaking iyon. At ngayon, nangyari na nga, tama nga siya sa hinala niya. That man is something. He was plotting something against to their plan. She exhale deeply and tried to think straight. "I-I understand, Dren. It's not your fault. Let's just talk about this matter kapag nasa bahay na ako. Nasa club kami ni Dus, iniwan ko lang muna siya saglit doon. Aalis na rin ako maya-maya, uuwi na rin ako." Aniya. [Okay. I'm really, really sorry . . . Via.] Then, the call ended. Lumabas na siya sa cubicle at naghugas ng kamay. Akmang lalabas na sana siya ng restroom nang biglang may humarang ulit sa kaniya. Natigil ulit siya. Iyong lalaking humarang sa kaniya kanina. Malas pa at walang katao-tao sa paligid. "Hi ulit, miss." Saka ito ngising-aso na lumapit sa kaniya, blocking her way. Agad na kinabahan at naging alerto ang dalaga, lumingon-lingon sa paligid. "Move." She said coldly. Mas lalo lang ngumisi iyong lalaki. "Nah, not too fast..." he said, then, pinasadahan nito ng tingin ang kabuuan ni Via. He bit his lips while maliciously looking at her body, especially on her upper part area. 'Pervert.' "Let's have fun first." Saad nito saka humakbang papasok, kumindat pa. Via was about to defend herself from that guy when someone interrupt them. Nagulat pa siya roon. "Lay your dirty hands on her and you'll see Satan." Arden said on his dangerous voice. Sobrang dilim at seryoso ng mukha nito, hindi manlang kumukurap. Mas lalong kumabog iyong puso ni Via. Instead of being scared of what may happen, she felt relieve instead. And, after many days without seeing him, she admits that she missed him. Maangas na humarap iyong lalaki kay Arden. "Dude, back off—" "Why would I? She's my property, so f**k off. I'll give you a chance to leave before I loose my patience—" Naging agresibo iyong lalaki at kwinelyuhan si Guevarra. "Bakit ba napaka-pakialamero mo ha?! Ako ang unang nakakita sa kaniya! Maghanap ka na lang ng ib—" The next thing she knew is nagkagulo na roon. The two exchange punches, at sa kasamang palad ay natalo iyong manyak na lalaki. Tinadtad talaga ng suntok ni Arden, galit na galit. Mabuti na lang at dumating agad iyong mga bouncer at inawat iyong dalawa. Baka kasi mapatay pa ni Arden iyong lalaki at mas malaking gulo iyon. Agad din inalalayan ni Via si Arden at itinayo. "Boss, okay lang po ba kayo?" Tanong no'ng bouncer kay Arden. He wiped the blood on his lips and nodded. "Yeah, I'm fine." Saka ito tumingin sa dalaga, nag-aalala. Lumamlam iyong mata nito nang makitang nagulat ito sa nangyari. "Are you okay?" Hindi agad nakasagot doon si Via. "O-oo, okay lang ako." Nautal pa siya dahil sa titig ng binata sa kaniya, iniwasan lang niya ito. "Una na kami, boss." Nagpa-alam naman iyong mga bouncer bitbit iyong manyak at umalis na, tumango lang si Arden nang hindi lumilingon sa kanila . . . kay Via pa rin nakatitig. Tahimik lang na inalalayan ni Via si Arden na tumayo, walang imik. Maya-maya ay nagsalita na rin si Via. "Gamotin muna natin sugat mo. May first aid ako sa kotse," Via said, a bit worried. Saka na ito nakipagtitigan sa binata. Umiling si Arden, trying to reassure her that he was fine even if may putok na iyong gilid ng labi niya, at nagdurugo pa nga iyon. Ang nasa isip kasi nito ay okay lang na hindi magamot iyon, ang importante ay nailigtas niya si Via sa lalaking nagtangka na bastosin ang dalaga. "No. I'm fine, malayo 'to sa bituka—" "Imong nawng I'm fine," [Mukha mo I'm fine.] pag-b-bisaya pa ni Via. Nainis sa sinagot ng binata. Inikutan pa nga siya ng mata. 'Prttf! She's cute.' Natawa siya sa kaniyang isip. Nagsalubong naman iyong kilay ni Arden sa pagtataka, hindi na-gets iyong sinabi. "What did you say?" Instead of answering him, hinatak na lang ni Via si Arden palabas at dinala sa kotse niya. While Arden, he can't hide his smile when realization kicked in. He zipped his mouth shut and look at their locked hands. 'She's worried. She cared. It's not true that she didn't love me. I can feel it, mahal niya rin ako.' He said on his mind at let her drag him, while he is grinning. Palihim na nagdiwang sa kaloob-looban niya. *** “The more you hide your feelings, the more it'll visible to someone.” —dawndistinctmind
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD