Vander and Arden's first encounter

2378 Words
Chapter 14: Part 2 Common, Make me * * * “If you're bound to be someone's other half, whatever obstacles and challenges of life will bring, if you two are bound then, it'll happen. You will end up together.” — dawndistinctmind * * * Nang dumating kami sa simbahan ay halos puno na ang lahat ng upuan sa dami ng tao. Nalula pa ako pagkapasok ko dahil sa mga magagandang designs at arrangements. I never thought in my entire life that I could witness something extravagant — I mean, yes. I attended many weddings, occasions and birthday parties already but, ito lang yata iyong masasabi kong kakaiba. It looks classy . . . it looks enchanted. Dagdag mo pang lahat ay mamahalin, grabe. Walang sinabi iyong mga gamit ko sa bahay na mamahalin din, galing pa iyon sa ibang bansa ah. Well, sabagay nga naman, he's not Clark Sandoval for nothing. This is just a piece of cake for him, mayaman 'yon eh. Anak ba naman ng isang sikat na business man, a inheritor of his grandfather's properties — plus 'yong mga mula sa mother side niya. Sobrang yaman, 'no? 'I wish I can experience like this...' I said as I make a face. I can't hide that I was envious at this moment. But, I know it's impossible. Malabo. Suntok sa buwan na ikakasal ako sa taong mahal ko at mahal ako. Sige, ilagay na lang natin na I have a fifty-fifty chance to get married but, it's still impossible for me. "So pretty," tulalang sambit ko habang magkahawak-kamay kami ng anak ko. Hindi ko namalayan na naluha na pala ako sa tuwa. Mabilis ko ring pinahid iyon. Baka kasi isipin ng anak ko na inaaway ako. Napaka-ano pa naman nitong prinsipe ko. 'Pero, ang swerte talaga ni Julie. She is lucky to have Clark in her life.' Nasabi ko na lang iyon sa kaloob-looban ko. Nakaka-inggit, grabe. Tiny hands pulled my gown. "Mama, is tita pretty po?" Bumaling ako sa anak at tumango. Saglit kong inayos ang kaniyang soot na tuxedo at yumukod ako kaunti para magkapantay kami. 'My son is really handsome. He looks like his dad. Ang daya, mas mana talaga sa tatay.' I nodded. "Yes, anak. Super pretty si tita Julie mo." 'Napakagandang sadista ng tita mo, 'nak.' then, I tapped his head. 'Sana kapag nabuntis ay huwag sana magmana sa ina iyong anak.' "Ay kay engrangdeng kasal hane, pakiramdam ko tuloy hindi 'to kasal ang pinuntahan natin. Para tayong nasa ibang mundo, kay ganda no'ng pagkakakahanay at pagka-ayos." Sabi ni Ate Sol. Nanlaki pa iyong mata nito habang inilibot iyong tingin sa loob ng simbahan. Kalea's eyes twinkled in amazement too. Kulang na lang ay pumalakpak iyong inosenteng bata, gayon din ang anak ko. 'Medyo late reaction nga lang...' Napangiwi na lang ako. 'You're really weird, 'nak.' "Nay, ang ganda po!" saad no'ng bata. "Oo nga, pero huwag kang masyadong maingay, Kalea. Nakakahiya sa kanila, huwag kang pahalata na ngayon ka lang nakakita nang ganito." Suway naman ng ina na bahagyang pabulong. Actually, people here will not mind if they will react. They aren't judgemental people, unlike sa iba na ang lala kung maka-husga. At isa pa, maganda naman talaga. Kahit naman ako ay namangha sa ganda eh. Alangan hindi magkakaroon nang reaksiyon, 'di ba? At ano, tutunganga lang? 'Besides, alam ko naman kasing 'tong mga kaanak nila Julie at Clark ay mabubuting tao. So, it's not that big deal. Having a reaction is normal.' I roamed my eyes around too, and from a distance, I saw my bestfriend smiling at me. Kumaway na lang ako and I mouthed him 'congratulations'. Grabe. Parang dati lang nagbabardagulan lang 'yong dalawa tapos heto, nakasoot na nang wedding dress si Julie. He just smiled at me afterwards. Natawa pa ako dahil papaiyak na siya. Kung gaano siya ka-guwapo sa soot at ayos niya, ganoon naman kapangit iyong mukha niya no'ng papaiyak na siya. Geez. "Napaka-iyakin talaga." Iling kong sabi. Biglang may tumunog na kanta, and we saw two young teenagers move forward. They bowed to the people and smiled at each other. 'Oh, I guess they'll present something. This is new huh.' Sa kanila naman agad nabaling ang atensiyon ng mga tao. Iyong iba lalo na iyong mga matatanda ay naguluhan lang sa nangyayari, habang iyong iba ay agad na itinutok iyong camera sa dalawa. Tudo kilig naman iyong mga bagets at maging iyong ibang bitter sa gilid ay nakangiti na. Then, a familiar song played. 'I met you in the dark' 'You lit me up' 'You made me feel as though' 'I was enough' "Yieee!" Umugong naman agad sa loob ng simbahan iyong tuksuhan ng mga tao. Iyong mga dalagita pa nga sa likod ko ay naghampasan sa kilig. Natawa na lang ako. 'Well, the two look cute though. And, I guess it was their favorite song, theme song ata nila Clark 'to.' "Ano ba! Sinampal naman ako ng pagiging single ko!" Aniya no'ng babaeng long hair na chinita na nakasoot ng isang creamy white off-shoulder na gown. And she acts very jolly. "Teka girl, give me a tissue. Tissue bilis, naiiyak ako!" Aniya naman noong isa na morena. Literal talaga na paiiyak na siya. Prttf! Well, they're right. Those two in front is indeed sweet. Ang galing pa nga nila sumayaw. They look comfortable with each other, then, there is a spark in their eyes. Maybe, they're couple. Para kasing kilalang-kilala na nila iyong isa't-isa. And, they look in love with each other too. "Pigilan mo sis! Huwag kang iiyak, iyong make-up mo." Pigil noong chinita sa katabi niya. Peke pa itong pinaypayan iyong kaibigan niya. 'Oh, I suddenly miss my friends tuloy... they have the same vibes.' "Tanga! Hindi pa nga lumalabas iyong bride! Sila Jhai at Miko lang 'yan!" Sabat pa noong medyo short hair, muntik pa niyang kurutin iyong dalawa. She looked fierce and serious. She was kinda masculine too. "Ay! Wala pa ba? Eme lang, hahaha!" Saka nagtawanan iyong dalawa. Nailing na lang ako. 'Ang loko. Parang sila Evo, Ash, Devine at Tyler lang. Iyong mga friends ko from college.' Mas lalong nagtudyoan ang mga tao. Saktong dumating si Dustin at agad na lumapit sa tabi ko at roon naupo. Many people eyed at him while he's walking but, he never give a glance on them. Binati pa nga niya si Vander pero mukhang hindi rin siya napansin ng anak ko. Busy ba naman kakatitig sa dalawa or should I say kay Kaleah talaga. 'Asus, ito ring anak ko. Hindi na ako magtataka kung isang araw aamin 'to sa akin na gusto niya iyong kaibigan niya.' Nilingon ko na lang si Dustin. "Buti at naka-abot ka," I said in a melow tone as I checked his suit. Bagay kasi sa kaniya, he looks dashing on his outfit today. Malayo sa Dustin na chickboy at hambog. Dustin smiled, showing his perfect set of teeth. "Siyempre, hindi pwedeng hindi ako pupunta 'no. Clark invited me and threatened me na isusumbong daw niya ako sa kapatid ko kapag hindi ako pupunta rito. Alam mo naman 'yong si Danica." "Prtff!" Kaya naman pala. He's really sacred with his sister. 'When you smile, over your shoulder' "Wait, is that Jhaizelle and Miko?" Dustin asked surprised, and I nodded. Iyan kasi iyong sabi noong mga dalaga sa likod ko. "I guess so, 'yan kasi sabi nila. Why?" Dustin grinned. "Mag-bestfriend 'yang dalawang 'yan. Kaibigan ng kapatid ko. And as what I remembered, Danica told me that the two was in love with each other, hindi lang maamin-amin." Napatango na lang din ako. Kaya naman pala. I grinned too. 'I knew I loved you then, but you'd never know' "Bes, sino 'yong gwapo sa likod?" Bulong noong babae sa may katabi namin ni Dustin. Panay siko pa niya at halatang-halata na kinikilig. "Hindi ko alam, bes. Mukhang artista tapos ang hot pa niya!" Sa hindi ko malaman na dahilan, biglang kumabog iyong puso ko nang kay bilis. Hindi ko rin namalayan na habang nasa loob ako ng simbahan ay parang may hinahanap ako at hindi nga ako nagkamali, he was there. Arden was there. Siya iyong tinutukoy noong dalawang babae. Damn. My heart beats fast even more. 'What is he doing here? And, damn! Lord naman oh.' "Calm down, Via. Calm down." I reminded myself constantly. Pinaypayan ko na rin iyong sarili ko. All of the places, bakit nandito siya? Umiwas na lang ako nang tingin. I pursed my lips and try to act natural kahit na nararamdaman ko iyong titig niya mula sa likod ko. Paano bang hindi eh nahuli niya ako kanina na lumingon. And it is very obvious na nakatitig siya, I feel uncomfortable as heck. Eh 'di sana kung hindi madaldal iyang nasa unahan, edi sana ay hindi ganito. It feels awkward! Damn — oh God, I'm so sorry. Nasa simbahan pala ako. Natapos na lang iyong sayaw pero ganoon pa rin 'yong pakiramdam ko. I tried to focus my attention on my son but, he is corrupting my system. I let a frustrated breath and shake my head a little. "Damn that Guevarra. Who the hell invited him?" — After the ceremony, we headed to the reception area. Umiba na lang kami ng sasakyan — iyong sinakyan namin kanina na pinagmamanehohan ni Mang Rolando. Dustin is also following us. If the church screams class and elegance, well, the reception too. Pagkarating pa lang namin ay agad na naman akong namangha sa nakita. 'My bespren really shows how galant he is huh.' "Daming properties nitong si Sandoval, ah! From church and 'till there . . . wala yata sa kalingkingan ng boy best friend mo iyong yaman ko." Ani Dustin sa aking gilid. His one hand is on his pocket while the other one was on my waist, supporting me. Tumango ako. Yeah, he's right. Ito iyong sinasabi kong mga mana niya. He was literally rich — hindi lang sa pera, maging sa ari-arian na rin. "Oh, Doc. Guevarra, you're here!" Biglang nanlaki iyong mata ko noong narinig ko iyong boses ni tita Julia sa hulian namin ni Dustin. I feel like I will turn into jelly when I heard his voice. "It was a pleasure to be here Mrs. Alferez." Damn! Siya nga. Goodness gracious! I tightly close my eyes. 'Huwag kang lalapit dito please...' Dustin pull me closer and whisper, "I am not oriented that he's here..." my face went sour. I scoffed a little and rolled my eyes. "Hindi ko rin alam! I thought he wasn't invited, who will thought naman, right? Tapos nakita ko na lang 'yan sa simbahan, kainis." Tinawanan niya lang ako. "Pagselosin natin," sulsol pa niya. Sinamaan ko siya nang tingin. Selos? Nah, I doubt that. After what happened, alam kong malabo na siyang pagselosin. "As if he will be jealous, you punk." Mas lalong lumakas iyong tawa niya. Bumaling tuloy sa amin iyong ibang bisita. "Huwag ako, Via. Selos na selos na nga 'yan kapag hinahawakan lang kita. Paano pa kaya kung..." I look at Dustin. He was also looking at me with a glint of 'kapilyohan' in his eyes. Pabitin na naman siya — oh I hate it, I hate what he's up to. "What if I'll try to kiss you, Via?" Pinalakihan ko siya ng mata at nginitian. "Subukan mo lang, baka hindi ka na talaga kakausapin ni Vander." "Fuck." Mura niya. Saka niya binitawan iyong beywang ko. 'Takot mo lang na hindi kausapin.' Pagkatingin ko pa sa anak ko ay ang sama na ng tingin nito kay Dustin. Kahit na nag-peace sign pa ito sa anak ko ay hindi siya nito binalingan. "I think you must behave," I said. He surrendered with a dismayed sigh. "Oo na. I will not do it, okay? Damn." The next few hours, everyone is enjoying. Mas lalo nga naging maligalig dahil sa mga pakulo ng mga bagets na sa tingin ko ay mga pamangkin yata ni Julie. Good thing too that Guevara is far from our table. Medyo hindi na ako nakakaramdam ng tension at kaba. "So iyong message ko kay Ate Julie ay sana hindi magmana sa'yo iyong bebe — ay! Aray! Joke lang!" Nagsitawanan na lang iyong mga tao sa kakulitan nila. Binato ba naman ni Julie iyong bata ng sandals niya. The girl showed a peace sign with a laugh. "Hehe, joke lang ate, labyu," she paused, then continued. "Pero ito seryoso na. Alam kong hindi man kami ganoon kalapit na sa'yo kasi lilipat na kayo sa bagong bahay niyo pero, kapag need niyo ng help, one call away lang kami. Kahit na umulan man 'yan o ano, asahan mong hindi ka namin bibigoin — kayo ni Kuya Clark. We might be the most pasaway na pamangkins mo, ate. But, mahal na mahal ka namin..." "Aweeee!" "Ay hala! Nasaan man si Vander, Kaleah?" Tanong ni Ate Sol na nagpakaba sa akin. What? He's here a while ago beside me. "Hala! Hindi ko po alam, 'nay!" Nataranta na rin si Kaleah. Akmang tatayo na sana si Ate nang nagpresinta na akong hanapin iyong anak ko. "Ako na hahanap kay Vanvan, Ate." Ani ko at tinapik lang si Dustin. "I'll find my son, you stay here with them muna ah." "As much as I want to help you to find Vander, but yeah sure, don't worry. Dito na lang ako." Umalis na ako and I headed straight to the comfort room of the resort but, wala akong Vander na nakita. Pumunta na rin ako sa mga posibleng pupuntahan ng anak ko pero wala, mas lalo tuloy akong kinabahan. "Vanvan, where are you na—" Pakiramdam ko parang aatakihin na ako sa kaba nang makita ko iyong anak ko na naka-upo sa isang bench sa may tabing-dagat habang may kausap. I should be relieved by now, but, I can't. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita kong kausap ni Vander si Arden, and their laughing. Nagtatawanan iyong mag-ama ko. This is their first encounter. I can't help but burst into tears. "So, this is it . . . they finally meet each other." *** “Even if how hard you try to conceal, once it is destined to be revealed then, it will be revealed.” —dawndistinctmind
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD