Enemies

1701 Words
Chapter 14: Part 1 Common, Make me * * * Hindi na natuloy ang pagpunta sa hospital ni Via dahil sa nangyari, she changed her mind after that. Mas minabuti na lang niya na umuwi sa bahay niya upang makapagpahinga, humiga na lang siya sa tabi ng anak na ngayo'y mahimbing na ring natutulog. Dala-dala niya rin iyong dalawang passport na magkaiba iyong indentity, itinago niya ito sa drawer niya, sa pinaka-ilalim na parte. She chose to bring it either. Magagamit din iyon bilang ebindensiya kung sakali mang may masama talagang intensiyon ang kaibigan ni Via. Sa totoo, ay gulong-gulo na ang dalaga kung bakit mayroong ganoon si Quin at para saan ba iyon. Parang mabibiyak na iyong ulo na kakaisip. Ang buong akala niya ay ang ama lang ni Arden iyong problema niya at si Fiona pero heto, mukhang po-problemahin na rin niya iyong bestfriend niya. Dumagdag pa tuloy sa sakit ng ulo niya. Hindi niya inaakala na magiging suspicious ito. Para saan ba talaga iyon? She tried to call her private investigator to tell him about what she found on her bestfriend's house but, his line was unattended. Siguro, ay may importante rin itong inaasikaso kaya ganoon. Mas lalo tuloy siyang nai-stress dahil hindi siya nito pinapatahimik. Bumabagabag kasi sa isip niya iyong mga nalaman niya. 'Nevermind. I'll just call him tommorow.' She said in her mind with a sigh, she tried her very best to control not to disturb him. 'Bukas na talaga.' At, hindi na lang niya ito ginambala pa. Mariin na lang siyang napapikit dahil sa pagod na nararamdaman at napahilot sa sintido. "This is too much," sabi niya pa at binalingan si Vander. Himbing na himbing ang tulog ng anak niya sa kaniyang tabi. Para lang itong natutulog na anghel. Hinalikan na lang niya ito sa noo at kinumutan. Napag-isipan niyang lumabas na lang muna para tawagan sana si Dustin, pero, nang mag-dial siya ay unattended din ang linya nito. "Common, pick up the phone people!" Inis na usal niya habang nakapameywang. Nakailang ulit pa siya pero wala talagang Dustin na sumagot kaya hindi na lang niya pinilit pa. Natulog na lang siya. Kinabukasan ay agad siyang nagtungo sa hospital. Maaga pa lang ay naroon na siya, agad siyang sinalubong ni Dustin pero inirapan niya lang ito. Paano ba naman kasing hindi, eh nagtatampo siya bakit hindi nito sinagot iyong tawag niya. "Hey! What's with you?" Tanong pa ng binata at hinabol ang dalaga papasok sa loob ng opisina ng hospital, natatawa pa. Pero, kahit anong kulit din ni Dustin ay sinamaan lang siya nito nang tingin kaya, huminto na lang sa kaka-kulit ito dahil titig nito, para na kasi siyang kakatayin. Ayan, tamporurot kasi itong si Via kapag hindi pinapansin. Malambing itong yumakap kay Via at sinuyo ito. "Sorry na, Via ko. Noong tumawag ka kasi ay naiwan ko iyong phone ko sa kotse," Via tsked on Dustin's reason. Agad pa itong humiwalay at iniwaksi ang yapos ng binata. Pero, imbes na seryosohin ang pagwaksi ni Via ay tinawanan niya lang ito, aliw na aliw pa. Mas lalong umikot iyong mata ng dalaga. Kung maka-asta sila ay para talaga silang magkasintahan pero ganiyan lang talaga sila. It is normal for the both of them, naging habit na nila. Kung siguro iyong iba ay pag-iisipan talaga sila nang masama lalo na iyong hindi sila kilala personal. Via mocked him. "Che! Ewan ko sa'yo, Dus. May itatanong sana ako sa'yo eh!" Inis nitong sabi. "Iniwan, iniwan . . . tsk!" nagdabog pa ito ng gamit at tinanggal iyong coat at tinapon sa mukha no'ng lalaki. Mas lalong natawa ang binata sa reaksiyon ni Via. "Ano ba kasi iyon?" Tanong niya pa. Then, he sat in front of her. "Now, ask me," "I—" Via was about to ask him but Fiona and Kyla entered the room. Ganda pa no'ng entrance noong dalawa dahil maypa confetti pa silang nalalaman. Kaya, medyo nagulat rin sina Dustin at Via. Agad na natahimik iyong dalawa sa intrada ng dalawang bida-bida. Biglang nag-iba iyong timpla ni Via at umirap. 'Nandito ma naman ang mga impakta.' Sabi pa nito sa isip niya. "Well, well, welcome back, b***h!" Fiona said with full of sarcasm, nakangisi pa ito na parang sinusubok talaga iyong pasensya ni Via, at saka ito pekeng bumeso. Nandiri tuloy si Via dahil doon. Via didn't react on it though, she remained her stoic expression even if she wants to vomit because of Fiona's plasticity. While Kyla is only standing on the side, nakataas pa ang kilay nito, acting as a good dog there. Talagang kinareer iyong pagiging taga-sunod ni Fiona. Well, fit naman silang dalawa. Isang bida-bida at isang supporting character sa bida-bida. Malakas talaga iyong loob na magtaray dahil may kakampi siya. Pero kapag wala naman, bahag iyong buntot kay Via. Well, that's the fact. 'Eh, supalpalin ko kaya mukha niya? Maka-irap, dukotin ko 'yan eh!' Halos manggalaiti na si Via pero pinigilan niya iyong sarili. "Fiona..." Agad na lumingon kay Dustin si Fiona, nakataas pa iyong mga kamay nito. "Chill, no need to remind me, Doc. I'm just here to welcome her back... "she looked at Via sharply, hinagod pa talaga nang tingin si Via mula ulo hanggang paa. Saka maarte nitong inayos ang buhok na kasingkulot ng mukha nito. Fiona faked sad in front of them. "Malas naman at hindi nadisgrasya iyong sinasakyan mong eroplano, 'no? I really prayed pa naman na mamatay ka na," Napataas iyong kilay ni Via sa narinig. At, agad na sumabat sa usapan si Dustin. "Miss Guevara!" 'Oh, really huh?' Napatawa na lang si Via. Via halted her steps to her and mimic her tone. Sakto, kahapon pa siya badtrip at may mapaglabasan siya nang sama nang loob. Lagot ka talaga Fiona. "Love kasi ako ni Lord, Fiona. Malas mo rin, hindi effective. Sana ginalingan mo total pabida ka naman, right?" Anger consumes Fiona's system. Mabilis pa kay Flash itong napikon. Susugurin na sana ni Fiona si Via pero nauhan na siya. Isang malutong at malakas na sampal ang dumapo sa pisngi nito. Tumabingi pa ang mukha nito exactly 360°. Suminghap na lang si Kyla at mabilis na tumakbo papalabas sa kwartong iyong, takot na takot baka siya iyong susunod na sasampalin. Nawala iyong tapang nito. 'Tsk, what a chicken.' Pinanlisikan ni Via si Fiona. "Ano? Nagising ka na ba? Too bad for you that's the only the pinakamahina na sampal for me. And, if ever you will come back here . . . hindi lang 'yan aabutin mo." Banta pa ni Via as she gripped her arm really hard. Napa-aray na lang si Fiona, umiiyak. Natakot na rin dahil hindi niya alam na marunong pala itong manakit. Ang akala kasi nila ay hindi ito marunong mambasag-ulo. Well, to bad for her. Dumura naman si Fiona kay Via. "f**k you, b***h!" "Ah, talaga?" She harshly grab her heck and pinned her down. Napa-ubo pa ito dahil sa pagkasakal. Inisahan pa nga ito ng kamay at pinilipit iyon. "O-ouch! Get o-off me!" "Last f*****g warning, Guevarra. Or else, may kalalagyan ka." Natapos iyong araw na puro tinginan at bulungan ang inaatupag ng mga tao sa hospital. Paano ba namang hindi, eh noong huling eksena sa hospital ay naging kalat talaga iyon, controversial kumbaga. At, magpa-hanggang ngayon ay hindi pa rin ito humuhupa. Basta chismis talaga ay buhay na buhay iyong dugo ng mga tao. Walang nagawa si Via roon. Imbes na sana ay sa canteen siya kakain kaso nakakawala naman ng gana iyong mga chismosa sa paligid kaya, inaya na lang niya si Dustin na sa opisina na lang sila kakain. Mas lalo tuloy umugong iyong pagma-marites ng mga tao dahil sa paghawak ng dalaga sa kamay ni Dustin. "Kainis, ang daming mga pakialamera sa hospital na 'to. If hindi lang—" Naputol iyong sasabihin sana ni Via nang tumawag na rin sa wakas ang private investigator niya. She cleared her throat and excuse herself from Dustin. Pumunta muna siya sa labas ng opisina, iyong siya lang ang makakarinig sa kung ano man ang sasabihin nito. "Hello, Dren," [I will just report about what I found out, this is quick. Listen carefully, Via. Remember no'ng nasa Batanggas kayo, may binayaran akong tao para magmanman and he saw your bestfriend talking to a guy named Miko Sales...] Mahina naman siyang tumango nang mapagtanto ang ibig sabihin. It's still fresh in her mind. Hindi talaga siya pinatulog noon. [That guy, named Miko is one of the assets of Don Guevarra. I background check him and I found that he is one of those trusted allys of the old man and your best friend too.] "WHAT?!" Halos lumabas iyong mata ni Via sa gulat. Now, naging malinaw na ang lahat ng duda niya. Ngunit, hindi pa rin siya makapaniwala. Buti na lang at walang tao iyong hallway ng hospital sa mga oras na iyon kung 'di ay talagang makakahatak talaga siya nang atensiyon sa lakas ng sigaw niya. Dren continued. Narinig pa ni Via na parang may papel itong binubuklat. [Yeah, I know. I know it's unbelievable, but be careful. Maraming anomalies ngayon sa laboratory, at parami nang parami ang mga biktima, ginawa nilang sample sa kanilang experiment ang mga bagohang doctor at maging iyong ibang nurse. If this will continue, mahihirapan tayo. So, just be careful of your bestfriend and also before I forgot . . . Don Roberto will fly to Cebu within this week, be ready.] Nahimigan pa niya ang pag-aalala sa boses ni Dren. Via clenched her fist. She, then, inhaled deeply. She was more determined to bring the old Guevarra down. "I will. Don't worry about me, Dren," mas lalo pang humigpit iyong hawak niya sa cellphone niya dahil sa galit na naramdaman. "We will get the justice we deserve. We will make him pay for everything. Ipapanalo natin 'to." *** “Equality of individual — human rights is essential in our lives. Without fairness and equality, we can't get the justice we deserve because someone will manipulate it — those hungy animals. Those people who had a bad intentions will rule the government and snatch our democracy and rights as a human.” —dawndistinctmind
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD