Ilang beses ng napapamura si Luke habang pinagmamasdan niya ang larawang kuha sa CCTV. Alam naman niyang buhay pa si Jaguar. Pero nagrerebelde ang mga ugat niya sa katawan habang pinagmamasdan niya ito na kaswal lang na nakikipag-usap sa mga tauhan nito sa labas ng compound. Kabisadong-kabiso pa rin niya ang mga galaw ni Jaguar. At ang kanyang sniper riffle, naroon lang sa loob ng kanyang duffel bag, useless. Masyado kasi siyang na distract sa presensya ni Shawie kaya tuloy hindi niya napaghandaan ito. Tangina. Pagkakataon na sana niyang tirahin ang target niya. Nakita niyang may kararating lang na sasakyan. Dalawang lalaking armado ang bumaba mula sa sasakyan. Inilibot naman ng mga ito ang mga mata sa paligid. Luke quickly captured photo of them on his computer and email it to the N

